The Class President
23 years old | 12 Oct 1982 tubong baguio city bunso sa tatlo DLSU-D Grad | BS Computer Science mahilig sa: tugtugin babasahin pelikula sining palakasan libre YM id: a_aspi Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet. Blackboard
Extra Curricular Activities pinoy blog bobong pinoy dlsu-d undernet peyups dekada greenarcher.net i-snare roswell sharpscripts creativeminds nba friendster PL forum guitar tabs friends fan site Classmates aimee ahvy aia aleng ava benz bone cheska clarisse cruise dada darkblak des denisse eric esteban georgie gia hanigrey jack jasper jetz juan frederico jhoanne joyce joycie kate keo kirsty klariz lei lorraine madz maky marelle martin mary mayi melai mike nerozero nix red sarge sheena sheens tala tin toyo ver very yzza Students Enrolled Review Materials
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet faculty office
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately |
May 06, 2006 nagbabagang mga balita 1st runner up kami sa sinalihan naming home owners association super math quiz bee 2006. mamayang gabi pa sasabihin yung top 10 honor roll, most behaved at validictorian. eto nga pala may picture. hindi na sumama yung mga kakampi ko sa litrato dahil umuwi na sila agad sa hiya na natalo kami ng mahigit trenta puntos. nung lunes nakatanggap ng tawag ang ate ko. inaanyayahan siyang magsulat ng isang librong pambata. kung hindi siya tamarin (gaya ng nararanasan ko sa pagbo-blog ngayon), ilalabas ang nasabing aklat nitong darating na pasko. gusto ko yata magpalit ng template para sa blog. hmmmmm... Edit: version 4... watchatink?
April 25, 2006 busy as a bee nitong nakaraang marso ilang milyong kabataan rin ang sumali sa pinakamalaking brotherhood ng ating bansa - ang "unemployed". 2003 nang makatapos ako ng kolehiyo at pagkatapos asikasuhin ang lahat ng dapat asikasuhin sa eskwelahan nagpasya agad ako na maghanap ako ng trabaho, gusto kong "kumita" agad. sabi ko sa sarili ko non "lanya, magkatrabaho lang ako lalayas ako sa pamamahay na ito... kahit 200 a day lang papatulan ko, sapat na 'to". di nagtagal nagising ako sa katotohanan na hindi gawain ng isang mabuting anak ang nabitiwan kong mga salita at na-realize ko na hindi talaga kasya ang 200 para sa isang araw. ngayon, kinain ko na lang lahat ng sinabi ko sa sarili at namumuhay bilang isang role model na anak na naninirahan pa rin sa puder ng kanyang mga magulang. nagtatrabaho naman ako shempre, sa isang kumpanya bilang taga-computer. magdadalawang taon na ko dito at kuntento naman sa ngayon. gusto ko pa rin naman umasenso kahit papaano, kahit na taga-utos lang ng mga utos ng mas mataas na boss. hindi naging madali ang landas na dinaanan ko bago makakuha ng trabaho, parang nagpapasok ng kalabaw sa butas ng karayom. kung anu-ano na nga ang sinubukan kong pasukin. encoder, programmer, med rep, call center agent, sa loob ng tatlong taon, naka limang lipat na ko ng pinapasukan. yung pinaka una kong pinagsilbihan, isang buwan ang aking itinagal. kinumpleto ko lang yung training. iniwan ko matapos malamang mas malaki pa ang pamasahe ko araw-araw kesa sa su-swelduhin. masaya sana kaso wala akong pang-abono sa araw araw na gastos. meron namang isang kumpanya na pinasukan ko lang limang buwan, umalis ako dahil masama sila at isang araw susugurin na lang ang opisina nila ng mga tauhan ng human rights commision. may utang pa sila sa kin na tatlong libo na ayaw ibigay. tsk tsk, panligaw rin sana yun kay angel locsin. ang pinakamatagal na stint ko sa lahat na wala nang makaka-break ng record kahit kelan ay tumataginting na isang linggo. sumweldo pa ko non. dapat nga pati pension meron ako. pati loyalty award meron din dapat. ganito kase yon, kusang loob akong naglaho dahil ayoko na sa kanila. inaapi nila ako. saka lang kase sinabi sa kin na mortal sin pala ang mapansin na hindi nagtatrabaho ang boss mo kaya hindi mo rin magawa ang dapat mong gawin. kasing bigat ng pagkakasala ni rizal sa mga kastila. ang parusa? katumbas rin ng kay rizal, ipinatapon ako sa isang maliit na commercial center sa tagaytay para magbantay ng stall sa loob ng isang buwan, tapos nun sesante na. no return, no exchange. ganyan ang kalbaryong dinaanan ko, pwede na sa "maalaala mo kaya". sobrang mahirap. kasing hirap ng naranasan nung isang housemate dati sa pbb na napaiyak ng husto sa hirap dahil itago ni big brother yung plantsa niya sa buhok ng ilang araw. anyways, balik tayo. ayun, kung suswertehin, sa disyembre, first time ko pa lang makakaranas ng 13th month pay sa buong buhay ko pagkatapos ng tatlong taon ng paghahanapbuhay.
April 16, 2006 mass ang simbahan ay pinupuntahan para makinig sa misa at magdasal ng taimtim pero lugar din ito para sa iba't ibang extra-curricular activities. may mga taong pumupunta sa simbahan pero iba naman ang pakay, sila yung mga taong kadalsan sa likod o sa labas pumepwesto. kapag magbabarkada ang magkakasamang nagpunta sa simbahan dalawa lang ang gagawin nito, (1) magkwentuhan at (2) maghanap ng magagandang dalaga. ang mga bata naman na isinama ng kanilang mga magulang dalawa rin lang na pakay. (1) maglaro at kalbuhin ang hardin ng simbahan, at (2) umiyak at magyaya umuwi. yung nasa larawan ang pinaka paborito ko sa lahat. mga lovers in paris. huling huli ng kamera na nagliligawan. sige, humayo kayo at magpakarami.
April 13, 2006 chismis (revisited) ilang kwento ang naibahagi ko sa post na pinamagatang "chismis". babalikan natin ito ngayon. isang tao nanaman ang lumantad at nakasaksi ng kababalaghan sa subdivision namin. nung isang gabi, muli kong ipinamahagi sa mga kakilala na hindi pa nakakaalam ang mga kwento tungkol sa bahay na tinitirahan ng batang kulot. nang matapos ang kwentuhan nagtanong sa kin ang isa sa mga kaibigan ko kung saan ang eksaktong lugar ng bahay na tinutukoy ko (nakakalito sa min dahil magkakamukha ang lahat ng bahay). nang malaman niya na ang sinasabi ko ay ang bahay na inuupahan ngayon ng kakilala naming koreano bigla niyang sinabi sa kin- "hala, dun din nakakita si utol ng batang nakaputi sa gate. tumakbo daw tapos bigla tumagos paloob sa lalagyan ng air-con".
April 12, 2006 refreshment napakaswerte ko at may nanlibre sa akin nung linggo ng halo-halo na pang porma. feeling ko ang pogi pogi ko habang kumakain nito. simple lang naman ang mga sahog. mangga, sago, nata de coco, condensada, at yelo. walang special ube at leche flan. ok na rin, libre eh. masarap siya kung sa masarap pero medyo may kamahalan nga lang. ang presyo, katumbas na ng baon ko sa isang linggo nung grade 6, kaya kung ako rin lang ang magbabayad hindi ko talaga ito bibilhin. moral lesson: huwag tumanggi sa mga libre.
March 20, 2006 quotes galing sa mga kung sinu-sino na nakasalamuha ko sa tunay na buhay... "bat ba parati mo na lang ako tinatabla? siguro may gusto ka rin sa kanya no?" - mr adonis, 1999 "dati, crush ko dapat yung sa hanson eh" - mr sentra, 2003 "hindi ako yung umutot, sinisira niyo pangalan ko!" - mr coleman, 1997 "pogi ka rin naman hindi lang halata" - mr pogi, 2004 "kung may cellphone lang ako kayang kaya ko manligaw" - el gwapito, 2000 "ahas ka, tinuturuan pa naman din kita ng technique sa panliligaw tapos gagamitin mo lang pala kay __________" - mr tag-ulan, 2005
March 19, 2006 the future embrace hindi man ako naniniwala, pumayag akong basahin ng kaibigan kong koreana ang mga linya sa aking palad, for the sake of katuwaan. magaganda yung mga nabanggit niyang mga bagay tungkol sa kin at sa kapalaran ko, sa sobrang ganda parang gusto ko maniwala na magkakatotoo lahat ng sinabi sa kin. unang sinabi niya tungkol sa kin ay mahaba-haba daw buhay ko, mga kasing haba ng kay abraham. kung titingnan ang larawan ng kamay ko mapapansin na ang horizontal line nito ay malinaw at diretso. matatag na career daw ang ibig sabihin nito. sa lab layp naman ang magiging asawa ko daw ay maputi at maganda ang saya no?
March 16, 2006 chismis matatagpuan ang kalye na iyan sa subdivision namin at sa dulo nito nakatayo ang dating bahay ng kakilala ko na itatago na lang natin sa pangalang kaibigan2. sa entry na ito matatagpuan naman ang ilang kwento tungkol sa nasabing bahay. kwento 1: isang araw nagpunta si kaibigan1 sa bahay ni kaibigan2 para humiram ng bola ng basketball. kaibigan1: (nagtanong sa bata na nasa loob ng gate) anjan ba si kaibigan2? bata: (umiling) kaibigan1: eh si kaibigan3 dumaan jan? bata: (umiling) kaibigan1: ano oras uwi nila? bata: (umiling) kinagabihan sa tindahan... kaibigan1: bakit mo naman iniiwan anak mo sa bahay ng magisa. kaibigan2: umalis kami lahat kanina. kaibigan1: eh nakausap ko kanina yung kulot. kaibigan2: wala akong anak na kulot pero kilala ko na kung sino yung nakita mo... nakasuot ng puti, at may hawak na manyika no? kaibigan1: oo... kaibigan2: marami nang pinakitahan yun.. kwento 2: isang maulan na hapon tumakbo si kaibigan1 papunta sa tindahan... kaibigan1: pahingi ng tubig!! kaibigan2: o ano nangyari sa iyo? namumutla ka? kaibigan1: nakita ko ulit yung bata sa harap ng bahay niyo na nagtatampisaw sa tubig. kwento 3: isang araw naglalaro ng basketbol sa garahe si kaibigan2 at ang kanyang anak... anak: daddy, mumu!!! kaibigan2: (tumakbo paloob ng bahay) kwento 4: kamakailan lang nagtanong sa kaibigan ko ang korean (itago natin sa pangalang kim sam soon) na nangungupahan ngayon sa nasabing bahay. kim sam soon: is there a ghost in our house? kaibigan4: i don't know, why? kim sam soon: because i see children sometimes. and also, four yayas already left us... crying... never came back.
March 10, 2006 domino indyan pana kakana kana um shigi shigi um shigi shigi uwa ang na ang na su ma la pu hin kowk ko to! kowk ko to! kowk ko to!" you have just read a latin prayer of death. send to 15 people with in the next 10 mins or else something bad will happen to you. ang dami kong natatanggap na ganyang message sa bulletin board ng friendster na hindi ko naman nare-repost. kung totoo talaga ang mga iyan malamang matagal na dapat akong patay. kung pusa ako ubos na ang siyam kong buhay at desperado na kong makakuha ng 1up. sari-saring chismis ang nakikita ko sa friendster. yung iba plataporma yata ng tumakbong mayor na ipinaskil sa bulletin board. yung tipong kung ano anong mga pangako ng grasya ang nakalagay at matutupad daw sa kalagitnaan ng hating gabi basta mai-repost mo ang nasabing message. ang paborito kong chismis na kumalat sa text/internet ay yung may lalaking hiv positive daw na naglalagay ng dugo niya sa dispenser ng ketchup. astig yung gumawa nun, kahit yung erpats kong wala namang textmate nakatanggap ng ganon.
March 05, 2006 a family that prays together stays together tita cory, last week napanood ko kayo sa tv. anong gingagawa niyo sa camp aguinaldo? hehehe, gusto niyong makita kayo sa tv no? tv opportunity ba? bwahahaha kawawa naman kayo at hindi kayo pinapasok. belat, buti nga! yung mga lasallian brothers at st joseph sisters nakapasok sa loob, sila may libreng sandwich at zesto, ikaw wala! ha? magdadasal ka lang ba dun? bakit dun pa? hindi ba pwedeng dun sa ibang chapel na lang? dun sa mas tahimik para mas madaling mag-concentrate. tita, alam mo ba nung laban ni kuya pacquiao. yung nanay niya dun lang nagdasal sa kapilya sa malapit sa bahay nila sa gen santos. ang galing no? nasagot pa rin yung dasal niya. isipin mo ang layo layo nun sa las vegas. siguro katulad din naman ng ganun yung kaso ng ipinagdadasal niyo, na kahit sa loob pa ng cr ikaw mag-dasal madidinig ka pa rin ng Diyos at tutugunan niya ito kung nararapat. hindi mo na kinailangan na magpumilit magdasal sa kapilya sa camp aguinaldo. ewan ko lang, pero nasa sa inyo na rin po iyon. ha? ganon? kung sa simbahan sa las vegas nag-dasal yung nanay ni kuya pacquiao, 1st round pa lang knock out na dapat si morales? may ipinabasa sa kin, at gusto ko itong ibahagi. eto siya, click here.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |