Back to School... - Mga Weblogs Ni Ace

The Class President

Ace
23 years old | 12 Oct 1982
tubong baguio city
bunso sa tatlo
DLSU-D Grad | BS Computer Science
mahilig sa:
tugtugin
babasahin
pelikula
sining
palakasan
libre
YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)

Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet.

Blackboard

www.tag-board.com
Name:

Section:

Messages(smilies)

Extra Curricular Activities

billy corgan
pinoy blog
bobong pinoy
dlsu-d undernet
peyups
dekada
greenarcher.net
i-snare
roswell
sharpscripts
creativeminds
nba
friendster
PL forum
guitar tabs
friends fan site

Classmates

advent
aimee
ahvy
aia
aleng
ava
benz
bone
cheska
clarisse
cruise
dada
darkblak
des
denisse
eric
esteban
georgie
gia
hanigrey
jack
jasper
jetz
juan frederico
jhoanne
joyce
joycie
kate
keo
kirsty
klariz
lei
lorraine
madz
maky
marelle
martin
mary
mayi
melai
mike
nerozero
nix
red
sarge
sheena
sheens
tala
tin toyo
ver
very
yzza

Students Enrolled

Review Materials

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

faculty office
DO NOT ENTER

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v3.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately

December 30, 2005

here and there

ganito mga mukha ng tao kapag baha sa pilipinas:





ganito mga mukha ng tao kapag baha sa amerika:



* * *


kasabay ng pamiminsala ng hurricane katrina sa US ay ang paglobo ng bilang ng mga kaso ng murder, rape, at pagnanakaw sa mga lugar na dinaanan nito.

*photos c/o yahoo


Kuya Ace Ng Bayan at 3:41 PM



December 29, 2005

limang bakit... pakisagutan

1. bakit masarap ang mga gotohan, isaw, bbq, dugo, o kahit anong ihaw-ihaw na nakapwesto sa harap ng ospital o punerarya?

2. bakit kung may aksidenteng nahawakan na mabaho ang isang tao inaamoy pa niya yung kamay niya?

3. bakit parating may mga matapang na aso sa mga shortcut? (ewan ko kung sa kin lang applicable to pero halos lahat talaga ng shortcut na alam ko may asong bantay)

4. bakit lahat ng mga caller ni ernie baron merong opening spiel na "hello, pwede po ba magtanong?"?

5. bakit nangingisay ang mga lalaki minsan pagkatapos umihi? (babae rin kaya?)


Kuya Ace Ng Bayan at 5:50 PM



SWS Survey

nag-teks ako kahapon sa labing limang random na tao sa aking phonebook at itinanong ko kung anong masarap na ulam.

RESULTS:

7 - kare kare
2 - sinigang
2 - lechon
4 - walang load

itinuloy ko pa ang survey sa YM.

RESULTS:

2 - tapa
2 - porkchop
1 - sinigang
1 - bicol express
1 - tocino
3 - hindi nagreply


Kuya Ace Ng Bayan at 8:41 AM



December 28, 2005

bago mag-bago sa year 2006 gumawa muna ng kalokohan

hmmmm pano ko kaya ipagdiriwang ang bagong taon? parang di ko gusto bumili ng paputok. pangit namang ma-stuck sa pagkain ng keso de bola at hamon de bola na kapwa hindi masarap (sino ba naman kasi nakaisip na maghanda niyan taon taon?). ayoko rin naman mag-torotot (gagu, hindi yung adultery!). di ko rin trip na magmukang kawawa na nakikinood na lang sa pyrotechniques na mala-disneyland ng kapitbahay namin.

gawa kaya ako nung kanyon? yung traditional na paputok. yung gawa sa kawayan. yung bubutasan ng maliit. yung nilalagyan ng gas at kalburo tapos sisindihan. itapat ko kaya yung kanyon dun sa maingay na aso nung kapitbahay naming kuryano? nyahaha. pwede!

lanya kang aso ka, wag mong sabihing year of the dog ang year 2006.


Kuya Ace Ng Bayan at 6:03 PM



December 27, 2005

tula no. 1 ng makatang ulol

the irony of firecrackers

plapla na nagbibigay kasiyahan
dulot nito'y matinding pagyanig
'pag sinindihan tenga nama'y tatakpan
upang ang pagsabog ay 'di madinig


Kuya Ace Ng Bayan at 9:10 AM



December 26, 2005

bago

bagong taon nanaman kaya kinakailangang gumawa ako ng listahan ng mga bagay na gusto kong gawin sa taong 2006 na hindi naman matutupad o magkakatotoo. wahaha. wish list kumbaga.

1. mag-jogging at least twice a week.
2. makabili ng bagong telepono.
3. maglaro ng badminton at least once a week.
4. mag blog at least twice a week.
5. mag-aral ng pagtugtog ng violin.
6. gumawa ng sariling dokumentaryo o short film (12-15 mins).
7. bumili ng bagong computer.
8. maging regular na empleyado. :(
9. magkaroon ng digital camera.
10. tuparin lahat ng naisulat sa listahang ito.


Kuya Ace Ng Bayan at 5:36 PM



poetry in motion


*jumping to the music, john dinopol (left) and mary rose lim (right) of urbandub slams on their guitar.





sa unang pagkakataon nag-release ang paborito kong lokal na banda for the past 3 years ng album sa ilalim ng isang record label (EMI philippines). yung una nilang dalawang album (birth-2001, infulence-2003) ay inilabas ng independente. hindi ko alam kung makakabuti o makakasama ang packaging na gagawin ng EMI sa urbandub. sana naman 'wag masira ng record label ang image nilang binuo ng limang taon.

medyo nag-bago ng style ang urbandub sa pangatlong album kung ikukumpara ito sa influence at birth. ok lang sa akin yun dahil magaganda pa rin naman ang mga kanta nila at ang genre naman talaga nila ay "experimental rock"

ilan sa mga kantang nagustuhan ko agad ay ang mga sumusunod:

- alert the armory
- frailty
- first of summer
- when heroes die
- reveal the remedy

bonus:

kung gustong makita ang live performance ng urbandub ng kantang "alert the armory" at "first of summer" sa "myx mo! 2005" i-click lang ang link na ito.

(picture c/o urbandub_music@yahoogroups.com)


Kuya Ace Ng Bayan at 3:00 PM



December 22, 2005

jeepney joy ride




ang sarap! late ako kanina sa opisina. yung mga tao dun sa sakayan ng jeep nagaagawan. bwiset!


Kuya Ace Ng Bayan at 5:13 PM



exchange

pasko nanaman! panahon nanaman para ibalot ulit ang mga alarm clock, photo album, at picture frame na natanggap sa christmas party last year at ibigay ito para sa exchange gift ngayong taon. hehehe. ang hindi ko maintindihan sa exchange gift ay kung bakit may unwritten rule na kelangan pang ilihim kung sino ang nabunot mo? 99.9% ng pagkakataon nagkakabukingan o nagsasabihan rin naman.

nung nasa eskwelahan pa ko may mga matitindi. mga nangongontrata na kung sino man ang nakabunot sa crush niya obligadong itong i-trade sa nabunot nila. pa-trade-trade pa, hindi na lang bumili ng hiwalay na regalo galing talaga sa puso o bukal sa kalooban.

wala na kong paki sa kanila...

di pa rin nasasagot ang tanong ko na bakit kelangan pang gawing suspense kung sino ang nakabunot sa iyo?

sa ibang palabunutan nauuso ang paggamit ng mga code name para hindi mo rin makilala kung sino ang nabunot mo. ang hirap hirap na nga magisip ng pambigay bukod pa sa picture frame, alarm clock, photo album, t-shirt at bag tapos itatago pa sa iyo ang identity ng pagbibigyan mo ng regalo. hindi ba kapag ganito lalo na lang magiging generic ang mga regalo? wateber! wala rin naman kwenta yang mga code names na yan dahil nagsasabihan rin naman o kaya napakadaling hulaan kung sino ang nagmamay-ari. kadalasan napaka-obvious ng mga code name na ginagamit. sa isang classroom alam mo na agad kung sino ang mga pwedeng suspect pag mabunot mo na ang mga code name. halimbawa na lang "son gokou", "kenshin" o "lupin III" para sa mga mahilig sa anime at drawing. "MJ23" o "kobe08" para sa mga mukhang basketball. "wala" o "wala kang pake" para sa mga gusto lang makikain sa christmas party. "pink08", "taz14", "blue_tweety" o kung ano-ano pang mga kombinasyon ng kulay, cartoon character at numero (monthsary? bday?) para sa mga babae.

pero..... di pa rin nasasagot ang katanungan ko. bat kelangan pa maging secret ang bunutan kung magsasabihan rin lang? bakit kaya hindi na lang magbunutan ng harapan at wala nang sikre-sikreto. mas madali umisip ng regalo pag alam mo kung sino ang nabunot mo o ang nakabunot sa iyo. isa pa kapag ganito, mawawala na yung rin mga nangongontrata makipagtrade ng nabunot.

=============

*** si kuya ace ay na-disqualify sa larong "longest line" sa isang christmas party dahil siya ay nagbaon ng isang rolyo ng sinulid. sayang, kung nanalo may 500 pesos sana siya ngayon at ililibre kayo.


Kuya Ace Ng Bayan at 2:20 PM



December 12, 2005

math challenge

may math problem ako, tulungan niyo naman ako sagutan. eto isang rule, bawal umutang/magpautang.

pagkasyahin ang 800php sa loob ng dalawang linggo.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:30 AM



December 10, 2005

outlet

may bago nga pala akong blog. fictional siya. sana magustuhan niyo. bisitahin niyo naman kung maaari.

http://angkapitbahaymo.blogspot.com

paki-link na rin kung pwede. at wag niyo rin sana iwanan ang blog kong ito.


Kuya Ace Ng Bayan at 2:50 PM



December 08, 2005

kuya ace' top 5 movies

TOP 5: My Sassy Girl (Yeopgijeogin geunyeo, 2001)






this is a very good one. unlike western romantic comedies, my sassy girl's story is not predictable. it has a killer ending. surprisingly, this movie is actually based on real life.




TOP 4: Gladiator (2000)






every element that excellent movies have is in this one. this is what you get if you have a good actor, a good villain and a great story in the same movie. joaquin phoenix's white costume is also the best one the i've seen so far.






TOP 3: Homerun (2003)






this singaporean film won a bunch of international awards including best picture and i know why. it is just great. the actors did a good job in delivering and what's amazing about it is that most of them are children below ten years old i guess.

kudos to jack neo for making such a heart warming film that teaches the value of little things.






TOP 2: The Shawshank Redemption (1994)






i never thought that this film is based on a stephen king novel. tim robbins made an exceptional acting job in this movie back up by a very talented cast. morgan freeman's narration of the story is very effective just like what did in million dollar baby.

it is said that the shawshank redemption is the best 90's film ever and i guess i have to agree with it.






Top 1: Malena (2000)






simply perfect. i must confess that up until now there are still moments wherein i find myself thinking about its greatness.



Kuya Ace Ng Bayan at 5:15 PM



December 05, 2005

rock awards

badtrip at hindi natuloy ang panonood ko ng 2005 nu rock awards last friday (dec 2, 2005) for some reason. salamat na nga pala kay gelo at kay angie who offered free tickets nung araw ng event. sorry pero di talaga ako marunong mag commute sa manila.

nung kinagabihan pinakinggan ko na lang ang live broadcast sa radyo para malaman ang mga nanalo sa iba't ibang awards.

heto ang ilan sa mga nanalo (yung naabutan ko lang):

Song of the year:
- ako si m16 by junior kilat

Album of the year:
- light, peace and love by bamboo

Artist of the year:
- orange and lemons

Music video of the year:
- akap by imago

Female rock icon of the year:
- aia de leon




apat na performances lang ang napakinggan ko at ang pinakanagustuhan ko ay (drum roll).

- 2005 hits medley ng radio active sago project (hanggang ngayon may LSS pa rin ako nung "umuwi ka na baby" na walang katapusan hehe)


Kuya Ace Ng Bayan at 1:58 PM



December 01, 2005

lakas

lamang pa rin sa medal tally ang pilipinas sa sea games na ginaganap dito mismo sa ating bansa. kasalukuyang may 57 golds, 36 silvers at 45 bronze ang hawak ng ating mga atleta, medyo malayo sa vietnam na nasa 2nd place (40 golds, 36 silvers, at 41 bronze), at thailand na pang 3rd ( 29 golds, 44 silvers, at 51 bronze). magandang senyales ito at ipagdasal natin na sana magtuloy tuloy ang panalo.

wag daw muna tayo magpakasigurado na tayo ang magiging kampeyon sa sea games dahil matagal pa ang laban at madami pang pwede mangyari. malaki pa ang pagasa ng ibang bansa para makahabol sa medal tally. madami pang events na gaganapin. sa 2nd to the last day ng sea games may 100 na gold medals ang pagaagawan ng bawat bansang kalahok. kaya sana todo suporta pa rin tayong lahat hanggang sa huli. manalo man o matalo wala sanang iwanan.




nung 2004 athens olympics kahit isang medalya walang naiuwi ang ating mga atleta. sa taekwondo sana tayo umaasa na makakakuha pero nabigo tayo. tulad ng laban ni onyok velasco noong 1996 nagkaroon ng problema sa officiating ang laban ni tonnette rivero kung saan pabor ito sa katunggali. kaisa-isang medalya na sana maiuuwi, nakuha pa ng ibang bansa. ginawa pa nila ito sa hindi magandang paraan.

lungkot at galit ang nadama ng karamihan, kitang kita rin ito sa mukha ng team coach na si monsour del rosario habang umiiyak at sinasabing "pinaghirapan nung bata yun eh tapos kukunin na lang ng ganon. ako coach lang pero hindi ko matanggap, siya pa kaya na lumaban para dun...".

wala man tayong medalya nakuha, may isang bagay naman tayong nakamit-- pride.

isang taekwondo match ang napanood ko na talagang nakapagbibigay inspirasyon sa kin hanggang ngayon, na sa tuwing naaalala ko hindi ako nagdadalawang isip na taas noong sabihin na "i am proud to be a filipino!"

"geisler, now helpless as a cold, wingless bird, would not give up"

hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang mga katagang bitawan ni recah trinidad habang pinapanood si donald geisler (yung kapatid nung artista) na pilit pa ring lumalaban at hindi iniinda ang isang paa na pilay (umuwi siya ng naka-saklay). naluluha ako sa mga oras na iyon pero hindi lang dahil sa awa kung di pati na rin sa paghanga sa kagitingang ipinakita ng nasabing atleta, na kahit ano pa mang karamdaman at paghihirap ang nararanasan pilit na lumalaban ang mga pilipino hanggang sa huli.




isang eksena naman ang nakpagpalungkot sa kin sa pag-uwi ng philippine taekwondo team mula sa olympics. wala man lang kahit isang representative ang philippine sports commision o ang gobyerno na pumunta para salubungin sila. tanging mga reporters lang ang nandun para sa mga short interviews. natanong ko tuloy sa sarili ko "hindi pa ba sapat ang ipinakita nila para mabigyan sila warm welcome ng bayan na ipinaglaban nila?".


DITO ANG LUMANG BLOG