Back to School... - Mga Weblogs Ni Ace

The Class President

Ace
23 years old | 12 Oct 1982
tubong baguio city
bunso sa tatlo
DLSU-D Grad | BS Computer Science
mahilig sa:
tugtugin
babasahin
pelikula
sining
palakasan
libre
YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)

Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet.

Blackboard

www.tag-board.com
Name:

Section:

Messages(smilies)

Extra Curricular Activities

billy corgan
pinoy blog
bobong pinoy
dlsu-d undernet
peyups
dekada
greenarcher.net
i-snare
roswell
sharpscripts
creativeminds
nba
friendster
PL forum
guitar tabs
friends fan site

Classmates

advent
aimee
ahvy
aia
aleng
ava
benz
bone
cheska
clarisse
cruise
dada
darkblak
des
denisse
eric
esteban
georgie
gia
hanigrey
jack
jasper
jetz
juan frederico
jhoanne
joyce
joycie
kate
keo
kirsty
klariz
lei
lorraine
madz
maky
marelle
martin
mary
mayi
melai
mike
nerozero
nix
red
sarge
sheena
sheens
tala
tin toyo
ver
very
yzza

Students Enrolled

Review Materials

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

faculty office
DO NOT ENTER

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v3.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately

June 21, 2005

taong paniki

bibihira lang talaga ako makapanood ng sine, mga once in a blue moon lang. kadalasan hinihintay ko na lang na lumabas ang original vcd ng inaabangan kong pelikula o kaya pag meron nang magandang kopya ng pirated dvd kay jamal (generic name para sa mga nagbebenta ng dibidi sa bangketa).

dahil father's day nung linggo, nakahanap ako ng dahilan para gumastos ng 70 pesos at manood sa sinehan (nakalimutan ko pala isama yung tatay ko upang manood).

batman begins ang napili kong panoorin. medyo nahuli ako ng konti sa last full show, mga 5 mins siguro yun. medyo natagalan kase yung fries ng in-order kong burger mcdo meal, GO BIG TIME. binubungkal pa lang yata nila yung lupa at inaani ang mga patatas nung umo-order ako.

kulang ng 5 mins ang napanood ko kaya pagtiyagaan niyo na lang ang aking movie summary. ayoko nang gumastos ulit ng 70 pesoseses para lang mapanood ang umpisa ng batman at ang mga previews bago magsimula ang pelikula.


REACTION PAPER:

nagsimula ang batman begins nung bata pa si bruce wayne.

mahilig si bruce maglaro sa kanilang bakuran na kasing laki yata ng hacienda luisita. isang araw habang tumatakbo takbo sa bakuran nila aksidenteng nahulog siya sa isang well. kata-katakang walang tubig sa loob nito kaya't sa pag-bagsak ni bruce hindi niya napigilang sumigaw ng "areku po!". nabulabog ang mga bats na naninirahan sa loob at nanugod. nakagat siya ng isang radioactive bat at pagkatapos nun nagdesisyon na siyang maging si batman.

isang araw pinatay ang mga magulang niya, namulat na si bruce sa bulag na katotohanan. gusto niyang gumanti. mapait ang buhay. dagdag pa rito ang panget na palakad ng gobyerno sa gotham city katulad sa pilipinas. maraming magnanakaw at maraming corrupt na public officials katulad sa pilipinas ulit.

dahil concerned citizen si bruce, inanyayahan niya ang akbayan, pmap, gabriela, bayan muna at kmu upang magwelga ngunit busy ang mga aktibistang grupong ito sa pagprotesta kay gma tungkol sa wire tapped conversations.

wala na siyang nagawa.

nagpunta na lang si bruce sa japan at nagaral ng karate, jujitsu, taekwondo, judo, c++, culinary arts, at ballet dancing sa loob ng pitong taon.

bumalik siya sa gotham city upang ipaghiganti ang mga magulang niya. ngunit bago pa niya mabanatan ang pumatay sa magulang niya naunahan na siya ng ibang tao. ito marahil ang dahilan kung bakit ugali ni batman na hindi patayin ang mga masasamang taong nahuhuli niya, binibigyan niya ng pagkakataaon ang mga napagsamantalahan ng mga ito upang makaganti.

dumating ang panahon na may isang grupo na gustong sumalakay sa gotham city. nagpapakalat sila ng gas na nakakaulol at kung hindi pa rin ito gumana ay namimigay sila ng chickenjoy meal sa kung sino mang sasanib sa kanilang samahan. hindi ito nagustuhan ni batman kaya't to the rescue siya agad gamit ang kanyang bat tank.

umabot sa tren ang habulan ni batman at ng bigboss, dito din kasi sana papakalatin ang sangkatutak na nakaka-ulol na gas.

dahil nasa tren inasahan ko na masisira ang preno nito. ganun nga ang nangyari. kahit na todo bilis na ang takbo ng tren nagsuntukan pa rin ang bigboss at si batman hanggang sa matalo ang isa sa kanila. siyempre panalo ang bida. nakatakas si batman. sumemplang ang tren at namatay ang kalaban.

the end.


bonus: may isang quotable quote na binanggit sa pelikula. favorite ko na nga ito ngayon. ang makakapagsabi nito plus 10 sa recitation.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:29 PM



1

kung bakit masayang masaya ang mga tatay noong linggo (june 19, 2005), hindi father's day ang dahilan. nagdiwang ang mga tatay dahil birthday ng blog ko. hehe. joke lang.

anyways..

"HAPPY 1ST BIRTHDAY SA BLOG KO!"

*applause*

*torotot*

*clap clap*


Kuya Ace Ng Bayan at 1:49 PM



June 03, 2005

science: chaos theory

chaos theory -- pinapaliwanag nito na ang bawat bagay ay sanhi ng pinagsama samang maliliit na bagay. physics ang basehan netong theory na ito. kung may isinuksok, may madudukot. kung may tiyaga, may nilaga. if there's an action then there's a reaction. reaction plus reaction equals bigger reaction. ang bawat action ay madudugtungan ng isa pang reaction at masasamahan pa ng iba pang maliliit na bagay. lahat na lang dugtong dugtong na chain reaction na walang katapusan hanggang sa makagawa ng napakalaking bagay na pag sinamahan mo ulit ng ibang maliliit na bagay ay gagawa pa ulit ng mas malaki pang bagay and so on...

parang ganito:

nanganganib na ang bansang japan dahil malapit nang gumuho ang 50% land area nito. konting konting konting konting disturbance na lang sa lupa at hindi na makakayanan ni mother nature ibalanse ito. panay yabag na ng mga paa ng iba't ibang tao, robot, at centipedes nang... tantadadan. may tatlong langgam ang naghabulan. dahil sa padyak ng kanilang paa bumigay ang balanse ng lupa, gumalaw ang mga tectonic plates, naglindol at namatay ang kalahati ng populasyon ng japan. sana kung hindi naghabulan yung tatlong langgam makakayanan pa ni mother nature balansehin ang lupa kahit na magtatatalon pa ang ibang hayop, tao, robot at centepedes ng paulit ulit.

ganyan ang paliwanag sa chaos theory, sobrang kapilosopohan pero may basehan. sa sobrang pagdedetalya pwede natin himayin at malaman ang sanhi ng bawat bagay. ang eksaktong bilang ng hakbang sa paglalakad bago mapagod ang isang tao. o kung ilang pirasong butil ng bigas ang kelangan kainin bago masabing busog na ako. o kung talagang 10 tons lang ba ang capacity ng isang bridge na kapag may 10 tons na truck na nakaparada dito at pinatungan pa natin ng isang hibla ng buhok babagsak na ito.

eto na lang isipin niyo, sa chaos theory pwede palang makasanhi ng isang bagyo ang utot ng kuneho.

watchathink?


DITO ANG LUMANG BLOG