Back to School... - Mga Weblogs Ni Ace

The Class President

Ace
23 years old | 12 Oct 1982
tubong baguio city
bunso sa tatlo
DLSU-D Grad | BS Computer Science
mahilig sa:
tugtugin
babasahin
pelikula
sining
palakasan
libre
YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)

Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet.

Blackboard

www.tag-board.com
Name:

Section:

Messages(smilies)

Extra Curricular Activities

billy corgan
pinoy blog
bobong pinoy
dlsu-d undernet
peyups
dekada
greenarcher.net
i-snare
roswell
sharpscripts
creativeminds
nba
friendster
PL forum
guitar tabs
friends fan site

Classmates

advent
aimee
ahvy
aia
aleng
ava
benz
bone
cheska
clarisse
cruise
dada
darkblak
des
denisse
eric
esteban
georgie
gia
hanigrey
jack
jasper
jetz
juan frederico
jhoanne
joyce
joycie
kate
keo
kirsty
klariz
lei
lorraine
madz
maky
marelle
martin
mary
mayi
melai
mike
nerozero
nix
red
sarge
sheena
sheens
tala
tin toyo
ver
very
yzza

Students Enrolled

Review Materials

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

faculty office
DO NOT ENTER

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v3.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately

January 27, 2006

a night of astral journey and political healing

nabanggit sa kin minsan ng kuya ko na may dalawa daw na uri ng panaghinip. kapag daw weird at parang naghahalo-halo ang mga lugar na pinangyayarihan ng panaghinip mo, "common dream" daw yun. kapag naman ang mga lugar na pinangyayarihan ng panaghinip mo ay katulad na katulad ng nasa reality ang ibig sabihin daw nito ay namamasyal ang kaluluwa mo habang ikaw ay natutulog.

kagabi ibang klase ang panaghinip ko. part reality, part fantasy.

bago matulog pinatugtog ko yung cd ko ng dicta license at pinindot yung "repeat all". humiga ako at maya maya andon na daw ako sa grand stand ng lasalle na inilipat daw sa may front gate at tumutugtog ng "alay sa nagkamalay noong dekada nobenta". bago matapos ang kanta nahulog daw ako sa stage kase may dumaang helicopter na mababa ang lipad. nung naalimpungatan ako kakaumpisa lang ng track 6, ibig sabihin kasabay ng panaghinip ko ay yung pagtugtog ng "alay sa nagkamalay noong dekada nobenta" sa cd player namin.

hindi kaya namamasyal sa bahay namin yung kaluluwa ko nung natutulog ako dahil partly aware ako sa mga nangyayari sa paligid ko?


Kuya Ace Ng Bayan at 2:07 PM



January 25, 2006

urban legend

sa lugar namin ipinagbabawal ang mga asong nakawala. sa jail booth mo tutubusin ang aso mo kapag nakawala ito at nahuli ng guard.

dahil lahat ng aso ay nakakulong o nakatali walang predator ang mga pusang kalye sa min. malaya silang nakakagala sa buong subdivision. mabilis rin sila magparami. halos every month may bagong mga kuting na naka-apartment dun sa tambak ng kahoy sa gilid ng bahay namin.

kagaya ng mga koreano samu't saring mga pusa ang nagkalat sa paligid ng subdivision na kinatitirikan ng bahay namin. merong black, white, black and white, colored, two tone, tri-colored at yung batik batik na brown at black na mukhang salbahe.

napansin ko lang na sa dami nila wala akong nakikita ni isang lalaki na tri-colored, yung grey, white at orange. tinanong ko ang tatay ko tungkol dito. ang sabi niya kapag nanganganak daw ng ganun ang mga mother pusa pinapatay daw nila agad ang ganitong mga anak dahil kapag nabuhay ang tri-colored na lalake, lumalaki daw ito ng ubod ng tapang at lakas. threat daw ito sa ibang mga lalaking pusa dahil kaya nitong gumawa ng mga destabilization plots at pwede nitong sakupin ang buong kaharian ng mga pusa sa isang lugar.

ewan ko kung totoo yung sinabi ni erpat pero wala na akong maisip na ibang dahilan kung bakit ganon nga.


Kuya Ace Ng Bayan at 1:12 PM



miscellaneous

na-tag ako ni des at sinasabing kailangan ko daw magbigay ng sampung kahit anong bagay na tungkol sa kin. naisip ko na magandang oportunidad ito para magmuni-muni at malaman ang mga bagay na tungkol sa kin na hindi ko napapansin.

na tag din ako ni melai nung isang beses at mukhang pareho lang naman ang hinihingi nila kaya pagiisahin ko na lang ang lahat sa entry na ito.

10 random facts about me.

1. kulay puti ang baunan kong tupperware nung high school.

2. ewan ko kung ginagago lang ako ng nanay ko pero ang sabi niya pinaglihi daw ako sa tutong na kanin.

3. kulay puti ang lahat ng medyas ko sa aparador.

4. 40 lbs ang idinagdag ko sa timbang nung nakaraang taon.

5. isasalba ko ang sambayanang pilipino.

6. nagsisinungaling lang ako sa number 5.

7. lubusang kong ikinatataka kung bakit naging pogi para sa mga kolehiyala ang mga kalbo na may shades sa noo na wala namang itsura.

8. nanakawan/nawalan ako ng PE uniform nung 4th high school.

9. 120.00php ang baon ko nung college.

10. idol ko si rambo.


saling ketket lang naman ako kaya wala na kong tatayain. kung sino na lang gusto sumagot ay sagutin niyo na lang ito.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:29 AM



January 24, 2006

maikling kwento 2

once upon a time...


crush ni eys: (lumapit) ui eys!!!! may assignment ka na?
eys: ha? ... ah, eto kakakopya ko lang (ipinakita)... hiramin mo ba?
crush ni eys: (ngumiti) pahiram ha?
eys: sige... (iniabot)
crush ni eys: tenkyu tenkyu! (umalis)
buong klase: yiieeeehhheeee!!!!
eys: (pabulong) gagu! (nangingiti)


wakas...


***FICTION


Kuya Ace Ng Bayan at 2:45 PM



January 22, 2006

pagtutuos

ngayong araw na ito wala masyadong traffic, bababa ang bilang ng crime rate at papalakpak ng husto ang abs-cbn dahil aakyat ang kanilang naghihingalong rating. nakatutok ang lahat sa tv, magsusuntukan kase si pacquiao at morales para patunayan kung sino talaga sa kanila ang mas tunay na lalake.

gusto ko sana manood kaso nasa opisina ako ngayon. baka hindi ko mapanood. kung papalarin makakauwi ako ng 11:00 ng tanghali. sana naman umabot pa ko sa laban, ayoko kaseng umuwi na ang kwentuhan ng mga tao sa loob ng jeep ay yung resulta ng rematch ni morales at pacquiao.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:35 AM



January 16, 2006

undies

naglibot-libot ako sa sm kagabi para tumingin ng brip. nagbabalak kase ako bumili ng mga bago dahil nagiging bacon na ang garter ng mga luma ko. ngayon ko lang napansin na madami palang klase na pwede pag-pilian. ang alam ko lang kase dati ay yung kulay white na may dalawang linya sa harapan tapos may butas (na hindi nagagamit) kung san dun padadaanin yung bird pag iihi. ngayon, marami akong natuklasan at nadagdagan ang database ng uri ng brip sa utak ko.

seamless - ewan ko bakit naimbento pa yung brip na walang tahi masyado. siguro para ito dun sa mga masyadong sensitive ang balat na sa konting burda lang nagkakagalis na.

boxers - miniature na puruntong na may butones sa harapan. maluwag at presko kase malayang nakakadaloy ang hanging amihan sa buong kapuluan. meron akong isa nito pero kapag sinusuot ko nagbi-brip pa rin ako sa loob.

bikini brief - eto panalo! magsuot ka lang nito, magpabigote, at gumamit ng screen name na "lando", magmumukha ka nang bomba star nung dekada 80's. seksing seksi ang dating ng design kase tinipid sa tela at sobrang sikip. nakakatakot lang suotin kase parang nakakasugat ng singit kapag lumakad ka ng naka-ganito.

boxer briefs - eto daw uso ngayon. mukhang umurong na cycling shorts. mas kumportable daw ito sa boxers kase hindi kumakalembang ang kampana. safe rin kase kapag hinubuan ka sa harap ng mga tao pwede mo sabihing "bleh! naka-shorts ako sa loob!" kahit brip mo na pala talaga yung nakikita nila.


Kuya Ace Ng Bayan at 11:48 AM



zhang shen mars

ipapalabas na sa local philippine tv ang taiwanese series na "god mars" na base sa isang manga. sa qtv 11 ito mapapanood... soon.

hindi ako fan ng F4 at hindi ko crush si barbie xu pero na-appreciate ko ang series na ito kahit 3/4 lang ang napanood ko (damot damot ng ate ko ayaw magpahiram ng buong set ng vcd, puro kwento naman). ibang iba ang mars kung ikukumpara sa mga naipalabas nang koreanovela/chinovela sa bansa natin. hindi siya yung typical series na masyadong predictable ang bawat pangyayari at masyadong common ang story line. masasabi ko na ang series na ito ay para dun sa "thinking audience" na mahilig sa mga open ending (na pinapaniwalaan kong hindi maka "masa") at mga twists. hindi na ko magkukwento kase ayoko maging spoiler.

eto ngayon ang challenge sa gma. pano nila ipa-package ang series na hindi bababa ang kalidad at pano nila dadalhin ang disturbing behavior ni tong dao kapag sinalin na sa wikang filipino ang dialogue? sana wag nila ito masira.

final words. kung mahilig ka sa mga kwento tungkol sa mga taong may disorder sa pagiisip at hindi sarado ang isipan mo sa panonood ng ganitong genre ng palabas na kinabibidahan ng mga artistang ayaw mo aminin na pinapanood mo dahil ayaw mo masabihan na baduy/jologs ka, malamang maa-appreciate mo rin ang series na ito.


Kuya Ace Ng Bayan at 11:47 AM



January 12, 2006

kantahan

araw araw ako sa bus at jeep kaya 99.99% ng pagkakataon ay nasa "love radio" o "WWR" ang istasyon ng sinasakyan ko.

nawala na yung mga kantang novelty at pinalitan na ng mga paulit ulit na pinoy ako, stay, pinoy ako another version, panday theme song, pinoy ako, abot kamay, pinoy ako another version, the day you said goodnight, pinoy ako, sam and say song, at pinoy ako.

nakakairita man pero aaminin ko na mas may kwenta naman ang mga naririnig ko ngayon kesa sa mga novelty songs na kapag pinatugtog automatic na nahi-hypnotize ang mga bata at isinasayaw ang mga dance steps para sa nasabing kanta.

ewan ko ba kung bat pumatok pa ang novelty songs eh sa tingin ko napakadali lang naman gumawa nito. ang kailangan mo lang "medyo bastos na lyrics", "pambatang rhythm", at mga babaeng singers na parang hinihipuan habang kumakanta.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:06 PM



January 09, 2006

biktima ni malaya

na tag ako ni malaya. nakakahiya naman na magdahilang saling ketket lang ako kaya sige sasagutan ko na rin ito.

Rules:
* The tagged victim has to come up with 8 different points of their perfect lover/partner.
* Need to mention the sex of the target.
* Tag 8 victims to join this game & leave a comment on their Comments saying they've been tagged.
* If tagged the 2nd time, there’s no need to post again.


Target: BABAE

***8 iba't ibang puntos***
* pisikal - kumpleto ang lahat ng parte. maganda at pulido ang pagkakagawa.
* emosyonal - bawal ang pikon. kakagatin ko sa ilong.
* sikolohikal - mas matino ang pagiisip kumpara sa kin.
* ispirtiwal - walang mga orasyon at hindi sumasamba kay baal.
* mental - kahit ano wag lang niya ko utakan parati.
* pinansiyal - yung kaya ako ilibre sa food court paminsan minsan.
* sosyal - ma-karisma para matulungan ako kapag nakapagdesisyon na akong tumakbo bilang magnanakaw sa gobyerno public servant.
* iba pa - wala na kong maisip.

hindi na ko nambiktima. sumagot na lang yung mga gusto sumagot.


Kuya Ace Ng Bayan at 3:28 PM



maikling kwento 1

ilang persyento sa mga naliligaw sa blog ay yung mga humahanap ng maikling kwento. nung una wala silang nahahanap sa blog ko kaya ngayon gumawa ako ng isang maikling kwentong kutsero para naman hindi sila mabigo sa pakay nila. syempre kapangalan ko ang bida hehe..



noong unang panahon...

eys: ui, ui, [crush ni eys]... teka lang, antay... (humahabol ng lakad)
crush ni eys: (lumingon) hi eys, bakit po?
eys: naiwan mo 'tong panyo mo dun sa table sa canteen. (pinakita ang panyo)
crush ni eys: tenkyu! tenkyu! ayy... wait lang, excuse, may tumatawag sa phone ko.

after 5 mins...

crush ni eys: ay, pupunta kami ni [kaibigan ng crush ni eys] sa sm, nood ng movie. sama ka? teka. nagpagupit ka? haha, ang cute!!!!! bagay na bagay.
eys: (namula) ha? ahh.. eeeh, ganun.. ahh.. eeeh.. hindi na ko sasama... errrr... sige, una na ko.. babay.. (umalis habang iniisip ng paulit ulit "cute daw.. bagay daw.. cute daw.. bagay daw..")

one message received...

"hi eys, nkalmutan mo yta ibgy ung panyo ko. hihi. pkicheck nmn. tnx!!"



wakas...


*** FICTION


Kuya Ace Ng Bayan at 8:49 AM



January 06, 2006

pulong

bago pa lumabas ang balita sa tv uunahan ko na ito. ganito ang nangyari dun sa secret meeting nila ramos, sotto at drilon.

ramos: pogi, pa-burn naman ako ng "hello garci" cd.
sotto: oo ba, basta sasama ka na sa amin.
ramos: ayoko nga!
drilon: kunwari ka pa. ganyan din ako dati eh.
ramos: hinde!!! i will nevah join da dark side of the force!!!
drilon: sus.tanda!!!
ramos: iyakin!!!
sotto: laki tenga!!!
ramos: pakyu ka! alam kong gusto mo lang pabagsakin si kabayan dahil mas mataas rating ng MGB dati kesa Brigada Siete.
sotto: gagu!
drilon: tumigil nga kayong dalawa, tuloy na lang natin tong exchange gift.

--wakas


Kuya Ace Ng Bayan at 8:49 AM



January 04, 2006

tambalan

napakamakapangyarihan nga naman talaga ng internet. isipin mo pati compatibility ng dalawang tao kaya nitong hulaan. nung panahon ng lolo ko wala pang mga ganyan.

heto at pumunta ako sa www.lovecalculator.com at inalam ang kapalaran ng mga artista sa ating bansa. nagulat at natuwa talaga ako sa mga resulta na aking nakalap.

mga matatatag na love team:

mark herras - jennilyn mercado = 82%
richard gutierrez - angel locsin = 92%
richard gomez - lucy torres = 99%


naka-discover ako ng mga di akalaing tambalan na pwede palang pagkakitahan:

jestoni alarcon - sandara park = 87%
nora aunor - john pratts = 94%
mike enriquez - cindy kurleto = 94%


inakala kong pwede kumita:

dagul - mahal = 20%


may mga nagmamahalan dati na wala na talagang pag-asa magkabalikan:

philip salvador - kris aquino = 28%
vilma santos - edu manzano = 43%


huling huli rin ang mga chickboy:

joey marquez - sexbomb dancers = 96%


may mga mag-asawa na nanganganib ang relasyon:

julius babao - kristine bersola = 23%


at yung iba mapapaisip ka na lang talaga:

piolo pascual - judy ann santos = 27%
piolo pascual - aga mulach = 93%


*** results from www.lovecalculator.com.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:12 PM



January 03, 2006

guilty

oo, inaamin ko na:

1. kapag naglalakad iniiwasan ko na makatapak ng mga linya sa daanan.

2. mahilig ako tumingin sa salamin, bintana ng kotse o kahit anong bagay kung saan makikita ko ang reflection ko.

3. mabilis uminit ang ulo ko kapag may tinga ako sa ngipin na ayaw matanggal. lalong lalo na kapag nasa pagitan ng molars.

4. nagtatalukbong pa rin ako pag nakakaisip ng multo sa gabi.

5. hindi ko kaya maligo ng malamig na tubig.


Kuya Ace Ng Bayan at 12:53 PM



field trip

medyo lumalawak na rin ang naka-drawing na mapa sa utak ko. kahapon, unang beses ko sinubukan pumunta sa las pinas ng ako lang mag-isa. pumunta kase ako sa isang maliit na get together ng mga kaibigan ko na taga roon.

marunong ako mag-commute pero hindi sa las pinas kaya naman naging challenge para sa akin ang pagpunta dun. sa totoo lang ayaw ko pumunta sa mga lugar na hindi ko alam. takot ako maligaw, kaya bago pumunta doon sinabi ko sa sarili ko "basta markahan ko lang ng ihi ang bawat posteng madadaanan hindi na ko maliligaw" "tandaan ko lang ang pangalan ng bawat street at hindi na ko maliligaw". naging effective naman.

buti hindi maloko ang mga taong pinuntahan ko dun. kung ipinasok nila ako sa sako, nilagay sa likod ng kotse, inikot-ikot sa las pinas at iniwan sa isang lugar siguradong hanggang ngayon hindi pa ko nakakauwi sa min.


DITO ANG LUMANG BLOG