Back to School... - Mga Weblogs Ni Ace

The Class President

Ace
23 years old | 12 Oct 1982
tubong baguio city
bunso sa tatlo
DLSU-D Grad | BS Computer Science
mahilig sa:
tugtugin
babasahin
pelikula
sining
palakasan
libre
YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)

Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet.

Blackboard

www.tag-board.com
Name:

Section:

Messages(smilies)

Extra Curricular Activities

billy corgan
pinoy blog
bobong pinoy
dlsu-d undernet
peyups
dekada
greenarcher.net
i-snare
roswell
sharpscripts
creativeminds
nba
friendster
PL forum
guitar tabs
friends fan site

Classmates

advent
aimee
ahvy
aia
aleng
ava
benz
bone
cheska
clarisse
cruise
dada
darkblak
des
denisse
eric
esteban
georgie
gia
hanigrey
jack
jasper
jetz
juan frederico
jhoanne
joyce
joycie
kate
keo
kirsty
klariz
lei
lorraine
madz
maky
marelle
martin
mary
mayi
melai
mike
nerozero
nix
red
sarge
sheena
sheens
tala
tin toyo
ver
very
yzza

Students Enrolled

Review Materials

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

faculty office
DO NOT ENTER

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v3.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately

May 28, 2005

how to make my day wonderful!

may kwento ako. galing pa ito ng sm dasmarinas kaya makinig kayo ng maigi.

three weeks ago pinangako ng aking kaklase na ibalik ang mga bagay na hiniram niya sa kin. dahil masyadong interesante itago na lang natin siya sa pangalang arvin hmmmm mr guevarra errrrr "kaibigang magaling tumupad sa usapan". ilang linggo ang lumipas at hindi pa niya nababalik ang mga bagay na dapat ibalik. napagkasunduan namin na kanina na lang magkita.

heto ang mga paguusap naming naganap this weekend.

FRIDAY

7:00 pm

kaibigang magaling tumupad sa usapan: basta after lunch kita tayo sure na nasa dasma ako. balik ko na lahat.
ako: ok.


SATURDAY

hindi na ko pumasok kinabukasan kase wala nang ibang pagkakataon para magkita ulit kami. tanghali nasa sm na ko.


1:00pm

ako: tol san ka na?
kaibigang magaling tumupad sa usapan: pare di ko pa nabuburn lahat eh, mamayang mga 5pm nandyan na ko.
ako: ok sige, hintayin kita dito.


5:00pm

ako: pre san ka na?
kaibigang magaling tumupad sa usapan: ligo lang ako tapos punta na ko jan.
ako: sige.


7:00pm

ako: pre san ka na? dito ako friomixx.
kaibigang magaling tumupad sa usapan: teka may bisita pa dito sa min.
ako: sana sinabi mo na lang para umuwi na ko kanina pa.


7:30pm

ako: san ka na?
kaibigang magaling tumupad sa usapan: pasensya na pre. bukas ko na lang.




assignment class, what is the moral lesson of the story? use 1 half yellow pad

[currently listening to "what a wonderful world" by louis armstrong]


Kuya Ace Ng Bayan at 7:13 PM



May 26, 2005

murphy's law

murphy's law-- mahirap ipaliwanag ang theory/law na ito, ang pinakamaikling eksplanasyon nito ay ang pagiging palpak ng desisyong praktikal. hindi ko kilala si murphy at hindi ko alam kung may siyentipikong paliwanag sa batas na ito pero base sa experience at mga nabasang artikulo tungkol dito, ito na ang pinaka walang kwenta at pinaka nakakainsultong law/theory.

bakit? unawain sa mga ibibigay kong sample situations sa baba.

kunwari bagong taon, nagsindi ng kwitis ang kapitbahay mo sa dulo ng street. lumipad ang kwitis, bumagsak sa mukha mo tapos sumabog. katanggap tanggap dahil may siyentipikong eksplanasyon tungkol dito. simpleng paliwanag lang ang kailangan, projectile motion (isama mo pa ang big bang theory kung kinakailangan. hehe). malinaw na malinaw at scientifically provern pa. so, sa susunod pwede mo nang maiwasan ang kwitis. either lumipat ka ng pwesto ng kinatatayuan or pakiusapan mo ang kapitbahay na nagsisindi na itapat na lang sa asong mabangis ang papasabuging kwitis.

eh ang murphy's law, may paliwanag ba? eto halimbawa ng isang sitwasyon.

o-order ka sa mcdo. may dalawang pila, isang mahaba at isang mas mahaba. siyempre pipila ka dun sa mas maikli. akala mo si lumen ka, wais, pero ang kadalasang namang nangyayari ay mauunahan ka pa nung nasa kabilang pila. magsisisi ka, mawawalan ng ganang kumain ng hamburger at sasabihin sa sarili na "sana sa kabila na lang ako pumila". eksplanasyon? wala! biktima ka ng murphy's law.

eto pa isa.

nakasakay ka sa jeep, traffic. may apo ka na sa tuhod pero hindi pa rin umaandar ang jeep na sinasakyan. nagpasya ka na lakarin na lang ang pupuntahan tutal isang daang metro lang naman ang layo nito. nakakailang dipa ka pa lang tapost aandar na ang traffic. lalampasan ka ng jeep na kanina mo lang sinasakyan, masaklap pa dun ngingitian ka pa ng mga pasaherong nakasakay pa rin dun sa jeep habang ikaw bilad na bilad sa araw. tutungo ka na lang at maglalakad dahil alam mo namang katawa tawa ang napala mo sa desisyong maglakad na lang. biktima ka nanaman ng murphy's law.

maiiwasan ba ang mga bagay na pakana ng murphy's law? hindi yata. sa mcdo, kapag pipila. kalokohan namang dun ka sa mahaba lilinya. magmumukhang katawatawa ka lang nun. masaklap yung sa jeep, dalawa ang probability na maging biktima ka ng murphy's law. kapag nagpasya kang maghintay, aabutin ka pa ng tatlong linggo bago makaandar ng isang talampakan ang jeep. kapag bumaba ka naman upang maglakad, maya maya ay uusukan at iiwanan ka ng jeep na kanina lang sinasakyan.

linsyak na murphy's law yan. pahamak. kung pwede lang baguhin ang konstitusyon kung saan nakasulat ang laws of science, nature, at man, unang una kong ipapa-abolish ang murphy's law na yan. di hamak naman na giginhawa ng lubusan ang buhay kapag wala na ito.

MURPHY'S LAW EXTREME:

papunta ka ng makati, nasa baclaran ka. postura ang iyong suot dahil first day of work. ayaw mong ma late. nagdadalawang isip ka kung sasakay ka sa bus na dadaan ng edsa o sa bus na dadaan ng buendia. sa bus via buendia ka sumakay. pagkaakyat ng bus sa flyover huminto ito. kitang kita sa bintana ang kaluwagan ng edsa. *strike 1*. pagkababa ng bus sa flyover nakaramdam ka ng demonyo sa tiyan. lbm ang pangalan nito. bumaba ka sa pinakamalapit na public cr. dalawa ang pilahan. parehong anim ang nakapila sa bawat linya. pumila ka sa kaliwa. ang ratio ng accomodation ng kaliwang cubicle sa kanan ay 1:3, wala ka nang magawa kung hindi mamilipit at sumayaw-sayaw. *strike 2*. lumipat ka sa mabilis na pila. tama ang iyong desisyon dahil wala pang 3 minuto ikaw na ang next. umupo ka na at nagbisnes sa paglabas ng sama ng loob (ng tiyan). hugas. punas. hugas. punas. pagka pindot mo ng flush walang nang yari, sira ito. *strike 3*


Kuya Ace Ng Bayan at 8:26 PM



May 25, 2005

attention: all jeepney drivers

sa mga mamang tsuper o jeepney drivers. sana naman wag na muna kayong mag-taas ng singil sa pamasahe, ang mahal mahal kase. maawa naman kayo sa mga tulad namin at kelangan pa namin ng pambili ng load. makuntento na sana kayo na hindi kami nagrereklamo kapag ginagawa niyong sampuan ang upuan na pang pituhan lang naman talaga. kung gusto niyong makatipid eh wag niyo na lang abutan yung mga barker na sisigaw sigaw ng signboard niyo dahil hindi naman talaga namin sila pinapakinggan. katulad ng mga pulis, nangongotong rin lamang sila.


Kuya Ace Ng Bayan at 12:46 PM



May 23, 2005

buhay estudyante: revisited

dahil ang tema ng aking blog ngayon ay "back to school", ibabagay natin ang unang official entry dito. game.

pagkatapos ng graduation alam ko agad na may mga bagay na habang buhay ko na hahanap-hanapin. mga bagay at pangyayari na nagaganap lamang tuwing nasa school at estudyante ka pa.

heto ang mga bagay na nakaka-miss:

-miss ko na isuot ang aking school uniform.
-miss ko na ang allowance na binibigay sa kin.
-miss ko na ang mananghalian sa carinderia/fastfood na sawang sawa na ko kainan dati.
-miss ko na magdala ng mabigat na bag tuwing may klase sa PE.
-miss ko na mag-vandal sa mga armchair at pader.
-miss ko na ang makipag-patintero sa guard tuwing nakalimutan ang id.
-miss ko na ang mag-cram ng assignments. (nagmamadali sa pangongopya ng sagot ng kaklaseng matalino)
-miss ko na daanan ang ruta na araw-araw kong tinatahak noon sa loob ng apat na taon.
-miss ko na ang makipagsapalaran sa pila tuwing enrollment o kuhanan ng exam permit, clearance at class cards.
-miss ko na ang aking mga classmates.
-miss ko na mag-cut ng klase.
-miss ko na ang manghingi ng yellow pad sa kaklase.
-miss ko na ang manghiram ng ballpen sa aking kaklase.
-miss ko na ang makipagdebate tungkol sa mga bagay na hindi naman pala talaga mahalaga.
-miss ko na magbigay ng code names sa mga teachers at students.
-miss ko na ang mga taunang recollection /retreat.
-miss ko na tumambay sa mga lugar na alam kong teritoryo na ng mga bagong estudyante ngayon.
-miss ko na ang mangamote sa exam.
-miss ko na mangopya ng sagot sa katabi na nangangamote rin pala.
-miss ko na ang pagpupuyat tuwing may case study o kaya thesis.
-miss ko na ang mag-sight seeing ng magagandang dilag. (hehe. hanggang simoy lang ang kaya namin gawin.)
-miss ko na ang mga bakasyon katulad ng sembreak at summer vacation.
-miss ko na ang umupo sa klase upang makinig o makipag kwentuhan sa katabi.
-miss ko na ang mapahiya sa klase.
-miss ko na ang mga corny jokes ng matatandang professors.
-miss ko na ang pagiging kabado tuwing reporting.
-miss ko na ang gumawa ng excuses.
-miss ko na ang iba't ibang species ng professor.

hindi ako makapaniwala, namimiss ko ang pagaaral.

"i never let schooling interfere with my education"

hindi ko na matandaan kung sino ang sumulat niyan pero tama nga naman siya, hindi lamang edukasyon ang napupulot sa paaralan kung di pati na rin ang mga experiences na makakapag-hubog sa personalidad ng isang tao.

-wakas

*salamat sa correction at mali nga ang nailagay ko nung una.


Kuya Ace Ng Bayan at 11:15 PM



May 21, 2005

version 3.0

heto ang pangatlong version ng aking blog. kung gustong balikan ang nakaraang version i-click lamang ito.


DITO ANG LUMANG BLOG