Back to School... - Mga Weblogs Ni Ace

The Class President

Ace
23 years old | 12 Oct 1982
tubong baguio city
bunso sa tatlo
DLSU-D Grad | BS Computer Science
mahilig sa:
tugtugin
babasahin
pelikula
sining
palakasan
libre
YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)

Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet.

Blackboard

www.tag-board.com
Name:

Section:

Messages(smilies)

Extra Curricular Activities

billy corgan
pinoy blog
bobong pinoy
dlsu-d undernet
peyups
dekada
greenarcher.net
i-snare
roswell
sharpscripts
creativeminds
nba
friendster
PL forum
guitar tabs
friends fan site

Classmates

advent
aimee
ahvy
aia
aleng
ava
benz
bone
cheska
clarisse
cruise
dada
darkblak
des
denisse
eric
esteban
georgie
gia
hanigrey
jack
jasper
jetz
juan frederico
jhoanne
joyce
joycie
kate
keo
kirsty
klariz
lei
lorraine
madz
maky
marelle
martin
mary
mayi
melai
mike
nerozero
nix
red
sarge
sheena
sheens
tala
tin toyo
ver
very
yzza

Students Enrolled

Review Materials

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

faculty office
DO NOT ENTER

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v3.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately

November 29, 2005

tsismis

limpak limpak na salapi ang pinoproblema ngayon ng department of education ng ating bayang magiliw at nagsimula lamang ito sa isang chismis.

kapag tatanungin kung sino ang nakaimbento ng flourescent lamp pupusta ako na may sasagot ng agapito flores.

isang pilipino si agapito flores na ipinanganak daw sa bulacan noong late 1800's. ayon sa mga text books ko noong elementary hindi daw binigyan ng pansin ni dating presidenteng manuel quezon ang imbensyon nitong si agapito kaya naman nagtungo na lang siya sa G.E. at doon ibinenta ang kanyang produkto na makakapagpayaman sana ng pilipinas.

sumasakit ang ulo ng department of education ngayon at kailangang gumastos ng malaking halaga dahil dapat nilang i-revise ang mga text books na pang elementary upang tanggalin ang nasusulat tungkol kay agapito flores. recently napagalaman na si agapito flores ay isang urban legend lamang. nabubuhay lang siya sa mga utak ng taong nauto ng mga text books at teachers at kailan man ay hindi nakatapak sa lupain ng bulacan.

kamakailan lang nagkaroon ng research sa tunay na pagkatao ni agapito flores at ito ang ilang mga bagay na natuklasan: (1) walang record ng agapito flores na ipinanganak sa bulacan. (2) walang matatanda sa bulacan na nakakakilala kay agapito sa personal. (3) hindi rin kilala ng 98 yr old filipina scientist, scholar, inventor at hall of famer ang nasabing personalidad. (4) walang record na nakipagkita ang dating pangulong quezon kay flores. (5) ayon sa general electric ang flourescent lamp ay isang group research and development project noon ng nasabing kumpanya.

in short, chismis lang si agapito flores at marami ang napaniwala.


Kuya Ace Ng Bayan at 4:31 PM



November 28, 2005

pinoy

click niyo ito (kantang "chandeliers" ng "the care") at makinig ng maigi. pwede ring makikanta kung alam ang lyrics. mas maganda kapag sinasabayan ng dance step. enjoy!


Kuya Ace Ng Bayan at 10:21 AM



November 24, 2005

tribute (part 2)

follow up sa unang post ko tungkol sa eraserheads tribute album. pananaw ko lang naman sa up coming event kung san maraming nag-react sa mga bandang kasama sa selection. naipost ko na rin ito sa yahoo groups ng imago ngayon dito ko naman sa blog ibabahagi.

heto ang naisulat ko...

sa ibang point of view, parang nakita ko na gusto gawin ng jam 88.3 is to blur out the lines that divide the opm industry. kung ganun nga, maganda ang mga intentions nila... pero ibang istorya naman yun. dapat ang focus ay ang pagbibigay karangalan sa eheads at nararapat na kabilang sa line up ay ang mga pinakamagagaling na mga musikero. i don't have anything against paolo santos, mymp, and southborder. aware ako sa mga accomplishments at contributions nila sa opm scene pero, oo nga, sana mga artists na mas accepted ng e-heads fans ang nakasama sa selection tutal para sa kanila rin naman ang album na ito.

lastly, sa mga against sa pagkakasama ng cueshe, yes, i agree with you. except for a one hit wonder and a lot of disasters, sila lang ang wala pang naitatalang malaking marka sa opm scene di katulad ng mga ibang kabilang sa vote-off list ng tribute album line up.


Kuya Ace Ng Bayan at 1:03 PM



November 23, 2005

man of steel

sa susunod na taon magkakaroon nanaman pala ng bagong superman movie at ang pamagat nito ay "superman returns".

nakakita ako sa sm kahapon ng poster na may logo ni superman kaya nang mag-internet agad akong nag-search sa yahoo ng "superman movie" at dun ko nga nakita ang latest updates sa pelikulang nabanggit. cast, teaser, news, etc.

idol ko si superman pero medyo nawala ang hilig ko sa kanya dahil sa smallville. sinubaybayan ko ang unang dalawang season nito pero medyo na-disappoint sa flow ng kwento nung nagtagal. ang dahilan na lang siguro kung bakit ko naililipat sa channel 23 ang tv tuwing smallville ay para makita lang muli si kristin kreuk.

ngayon, umaasa ako na magiging maganda ang pinaka-latest na superman movie. yung tipo sana ng pelikula na magbibigay ng hang-over sa utak buong araw matapos mapanood ito.

goof:

sa smallville takot na takot si clark na may makaalam na may super powers siya. mabilis siyang nakakatakbo upang itago ang kanyang mukha tuwing mabubuking siya sa kanyang sikreto. sa kanyang paglaki hindi na ganito ang sitwasyon. tatanggalin lang ang salamin, brush-up ng buhok, ibaba ang konting bangs at hindi na siya makikilala ng mga tao kabilang si lois lane na inakala kong kaya siyang kilalanin kahit nakatalikod.


Kuya Ace Ng Bayan at 10:35 AM



November 19, 2005

madalas ay reklamo lang ang bukambibig...

35 centavo gas hike:

consumer: ang taas na nga ng presyo ng gasulina ang laki pa ng idinagdag nila.

50 centavo price roll back:

consumer: dapat ibaba pa nila, yung singkwenta sentimos parang wala lang yun eh.


Kuya Ace Ng Bayan at 7:03 PM



November 14, 2005

tribute

Salamat sa proyekto na inorganize ng jam 88.3 dahil sa nobyembre 29 magsasama-sama ang mga pinaka sikat na banda ngayon sa up theater upang bigyang karangalan ang isang icon sa industriya ng musika. ang eraserheads, bow.

performers:

6 Cycle Mind
Barbie Almalbis
Cueshe
Francis M.
Imago
Isha
Kitchie Nadal
MYMP
Orange and Lemons
Paolo Santos
Radioactive Sago Project
Rico J. Puno
Southborder
Sponge Cola
Sugarfree


songs:

With a smile - Southborder
Ligaya - Kitchie Nadal
Overdrive - Barbie Almalbis
Huwag Mo Nang Itanong - MYMP
Magasin - Paolo Santos
Alkohol - Radioactive Sago Project (kanta nga talaga gagawin o tula. kahit ano, idol ko pa rin kayo at ang mtv ng astro. hehe)
Torpedo - Isha
Spoliarium - Imago
Hard To Believe - Cueshe (i find it hard to believe na kasama sila)
Maling Akala - Brownman Revival (ano pa nga ba ang kakantahin nila?)
Superproxy - Francis M
Alapaap - 6Cyclemind
Pare Ko - Sponge Cola
Ang Huling El Bimbo - Rico J. Puno
Tikman - Sugarfree
Huwag Kang Matakot - Orange & Lemons
Para Sa Masa - All Star Cast

*ok na sana lahat kaya lang medyo na-disappoint ako at isinama nila ang cueshe. sa mga hindi nakaka-alam ang cueshe ang pwedeng itapat kay william hung kung paninira lang ng kanta ng may kanta ang paguusapan. hehe.

*isa pa, sana naman for the last time magsama-sama ulit sina ely, buddy, raimund at marcus para tumugtog. kahit isang kanta lang.


Kuya Ace Ng Bayan at 10:24 AM



November 11, 2005

tanggapan ng LTO

after 3 years kumuha ako ng lisensya para makapag maneho ulit ng kotse. kapag ganon katagal na pala na hindi kumukuha lisensya hindi na renewal ang kailangan gawin kundi panibagong application. ibig sabihin mage-exam nanaman ako at dapat makapasa para makakuha ng panibagong non-professional driving license.

simple lang ang proseso. fill-up ng form, medical, picture taking, exam tapos may temporary license ka na, babalikan mo na lang after 3 months ang card.

pagkatapos fill-up-an ang mga forms dumeretso ako agad sa medical examination. ibang klase, malulupet pala ang mga medtechnologist sa LTO. kulay lang yata ng ihi ang titingnan alam nila agad kung bagsak o pasado ka sa medical. wala pang limang minuto nakakuha na ko agad ng medical certificate, ang galing. kapag medical para sa trabaho inaabot pa ko ng ilang araw para makuha ang resulta, bwiset.

pagkatapos ng medical binigyan ako agad ng maikling multiple choice na oral exam. ang tanong: "sir, mage-exam pa po ba kayo?" letter a.) "pag hindi, mag babayad po kayo ng 350.00php" letter b.) "pag oo, dumeretso na po kayo dun sa magbibigay ng exam". medyo nalito ako kase baliktad pala dito. naaalala ko sa entrance exam para sa college kinakailangan magbayad para makapag-exam. sabi ko dun ako sa libre, bahala na magaling naman ako tsumamba.

pagkatapos magpa-picture pinapasok ako sa isang kwarto para mag-exam. sa dinami-dami naming naga-apply ng ng lisensya dadalawa lang kaming kumuha ng written exam. dalawampung minuto ang kinailangan para hulaan ko ang mga sagot sa exam. pagkatapos nun ipinasa ko na ang papel para i-check nung mga tauhan ng LTO. konting oras lang ang nakalipas ipinakita na sa kin ang resulta ng exam, bagsak ako. 29/40, 31 ang passing. kulang ako ng dalawang tamang sagot para makapasa. bago lumabas ng kwarto kinuha sa kin nung opisyales ng LTO ang answer sheet at pinalitan ang nakasulat sa dalawang tanong na nasagot ko ng mali. iyon daw ang ilalagay ko sa final answer sheet. ang bait, sana yung teacher ko sa calculus ng college ganun din para di ako umulit ng subject na yon.

pagkatapos daanan ang lahat ng proseso binayaran ko na ang mga dapat bayaran, hinintay ang temporary license ko at umuwi na. pagkatapos ng 3 buwan babalikan ko na ang card ko at pwede na ko ulit magpahuli sa mga traffic enforcer.


*kung hindi pinapalusot ang mga bagsak sa written exam sa LTO siguro wala tayong problema sa traffic. mapanghusga na kung mapang husga pero natitiyak ko konti lang talaga ang papasa sa exam pag sinagot nila ito ng hindi nandaraya. ibig sabihin konti rin lang ang mga magmamaneho ng mga sasakyan sa lansangan.


DITO ANG LUMANG BLOG