Back to School... - Mga Weblogs Ni Ace

The Class President

Ace
23 years old | 12 Oct 1982
tubong baguio city
bunso sa tatlo
DLSU-D Grad | BS Computer Science
mahilig sa:
tugtugin
babasahin
pelikula
sining
palakasan
libre
YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)

Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet.

Blackboard

www.tag-board.com
Name:

Section:

Messages(smilies)

Extra Curricular Activities

billy corgan
pinoy blog
bobong pinoy
dlsu-d undernet
peyups
dekada
greenarcher.net
i-snare
roswell
sharpscripts
creativeminds
nba
friendster
PL forum
guitar tabs
friends fan site

Classmates

advent
aimee
ahvy
aia
aleng
ava
benz
bone
cheska
clarisse
cruise
dada
darkblak
des
denisse
eric
esteban
georgie
gia
hanigrey
jack
jasper
jetz
juan frederico
jhoanne
joyce
joycie
kate
keo
kirsty
klariz
lei
lorraine
madz
maky
marelle
martin
mary
mayi
melai
mike
nerozero
nix
red
sarge
sheena
sheens
tala
tin toyo
ver
very
yzza

Students Enrolled

Review Materials

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

faculty office
DO NOT ENTER

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v3.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately

October 26, 2005

japorms

1998

Kuya Ace:
ma, papahikaw ako. ano kaya itsura?
Ermats: mukha kang goons. magpahikaw ka kung graduate ka na. walang pipigil sa yo.

2002

Ermats:
yan ba ginawa niyo, henna tattoo? yan ba uso? bat wala kang hikaw, mas bagay?
Kuya Ace: saka na lang pag graduate na ko.

2004

Ermats:
yan ba usong buhok ngayon? pwede ba yan sa trabaho?
Kuya Ace: ha? pahikaw kaya ako?
Ermats: pahikaw ka pa eh tanda mo na. sana dati pa.


ano gusto ko palabasin?

wala.


Kuya Ace Ng Bayan at 2:03 PM



October 25, 2005

langhap sarap

sa jollibee langhap sarap sa sm city dasmarinas ako naghapunan kagabi. light meal lang kinain ko, regular yum, double cheese fries at large sprite ang in-order ko. napansin kong may pagbabago na ginawa ang jollibee sa serbisyo nila. instead of using the traditional styro containers, gumagamit na sila ng ceramic plates, stainless spoon and fork at reusable hard plastic cups. maganda nga naman itong naisip nila. napaka environment friendly na nga, nabawasan pa ang waste na nage-generate sa araw araw nila by almost 60% sa tingin ko napakalaking ginhawa nito, parang multiple birds hti with one stone (meron ba nun?), maganda na nga sa kalikasan, tipid pa sa basura, plus tipid na rin sa pagbili ng disposable containers and utensils. sana gawing batas ito para sa lahat ng fastfood chains dahil maganda naman ang dulot at sana ang hindi susunod paparusahan ng tusok ng stinger ni jollibee.


Kuya Ace Ng Bayan at 10:30 AM



October 24, 2005

layaw

halos magdadalawang linggo na ang nakalipas matapos ang 23rd birthday ko at hanggang ngayon ay wala pa akong regalo sa sarili ko kung hindi ang egg/shaker na ginagamit namin ng barkada tuwing nagtutugtugan kami. hindi pa ko kuntento sa egg/shaker na bago kaya may listahan pa ko ng mga gusto ko bilihin sa susunod na sweldo.

item: book
title: veronika decides to die
description: sinulat ni paulo coelho na lumikha rin ng paborito kong libro na "the alchemist". medyo na-curious ako sa librong ito dahil sa plot ng kwento. kung nagustuhan ko ng husto ang the alchemist kahit na medyo malabo ang paniniwala ko sa concept ng destiny pano pa kaya itong istorya ni veronika kung saan mas madaling maka-relate sa mundong iniikutan niya.
price: 375.00php

item: audio cd
title: urbandub - embrace
description: ito ang pangatlong album ng paborito kong banda na nagmula sa cebu. nabalitaan ko sa website (click here)na lalabas ang pinakabago nilang likha ngayong oktubre. lumabas na nga ang pinaka-unang single nila sa nu107 kamakialan lang, hindi ko pa naririnig pero sigurado ako maganda ito. nakailang balik na ako sa odessey at astroplus pero hindi pa rin available ang album nila. tiningnan ko rin sa ever reliable na tower records at music1 pero wala din. gusto ko sana before mag-november makabili na ko para naman may bago na kong papakinggan.
price: 250.00php to 280.00php

item: shorts
title: not applicable, brand siguro pwede pa..
description: mas ok siguro kung board shorts ang mabili ko. gusto ko ang ganitong uri ng shorts dahil manipis ito at presko. pwede rin gamitin pang swimming at bagay na bagay pang surfing kahit na hindi ako marunong at wala akong surf board. may nakursunadahan na ko sa mossimo at bench na nakita ko nung isang buwan pa, gagamitin ko sana sa swimming reunion ng klase namin nung college. ayoko sana bumili pero puro hibla na ng sinulid ang shorts kong binili kaya kelangan ko na tong palitan.
price: 475.php to 800.00 php

item: video cd
title: matrix, matrix reloaded, matrix revolutions, animatrix
description: vcd format ng mga ito ang bibilhin ko dahil nagloloko ang dvd function ng dvd player namin. isa pa sale kasi ang mga vcd sa astroplus kaya ang bawat isa sa kanila ay nasa bargain price lang. na-amaze ako sa concept ng pelikulang ito although medyo na disappoint ako sa final part ng trilogy. bibilhin ko ang lang ang final part dahil ayoko maging bungal ang collection ko at kung sakali baka sa 2nd time na mapanood ko magbago ang impression ko sa movie kagaya na lang ng nangyari sa 2nd time ko pinanood ang pelikulang korean na pinamagatang my sassy girl.
price: 99.00php each, mura kasi sale

all in all aabot ng 1851.00php ang gagastusin ko kung mabili ko lahat. grrrr ang laki nanaman ng gastos ko... bakit ba kung minsan hindi ko mapigilan?


Kuya Ace Ng Bayan at 10:18 AM



October 19, 2005

ja-ja-ja-jamby

inamin ni senadora jamby madrigal na body guard niya nga ang nakitang hawak na baril sa rally dispersal noong biyernes.

ang dipensa ni senadora sa news kagabi...

"madami na kong natatanggap na mga death threat.... GMA, wag mo naman siya (her bodyguard) apihin!!!....... kung may aapihin ka..... wag siya...... ako na lang!!..... may sakit pa siya sa bato....... nakakaawa naman kaya ako na lang apihin mo!!"

napakabait nga naman nitong si senadora pero... pero... pero ang LABO!!!


Kuya Ace Ng Bayan at 10:22 AM



takam

kung babae ako malamang pinaghinalaan akong nagbubuntis ako't naglilihi pano ba naman kasi kung anu-anong mga pagkain ang hinahanap-hanap ko. medyo naging gutumin na ko lately, simula yata nung nag weight gain ako nasanay na ang sikmura ko na maya't maya nilalagyan ng ng pagkain. kadalasan ng mga hinahanap-hanap kong mga pagkain ay yung mga dating common merienda na medyo mahirap na hagilapin ngayon. heto ang listahan.

taho - mainam na pang-almusal dahil mainit sa tiyan at may halong matamis na arnibal na sa palagay ko pwede panggalingan ng dagdag na enerhiya (glucose daw kase pampagana). kadalasan ko sila nakikita sa umaga pero hindi ko na nakukuhang huminto at bumili dahil kadalasang nagmamadali ako sa pagpasok sa opisina.

magnolia pinipig crunch - nung nasa elementary pa lang ako ito kadalasan ang ice cream na ibinibili sa kin ng nanay ko. on a stick na may coating na pinipig. mas mura kumpara sa drumstick pero ang sarap naman nito hindi matatawaran.

manggang hilaw (baguio style) - kung ang iniisip niyo ay yung kalahating mangga na nakatuhog sa barbicue stick at binubudburan ng bagoong, hindi iyon ang tinutukoy ko. masarap din yun pero iba ang sarap ng green mangoes na binebenta sa baguio. ang style nito ay hihiwain ng ala french fries ang mangga, ilalagay sa plastic, lalagyan ng sukang iloco at ng asin na may halong sili. pag titingnan parang manggang hilaw na nakababad sa maduming tubig pero once na masubukan mo mapapa "syet ang sarap!" ka sa sarap.

barbicued litid ng baka - hindi ko alam ang generic name nito sa mga nagbebenta ng isaw basta ang alam ko litid ng baka ito. medyo year 2002 pa nung huli akong nakatikim nito kaya naman parati ko siyang hinahanap. lasang siyang lechon baka na natutunaw sa laway mo kapag sinubo. the best itong isawsaw sa sukang may timpla (sili, sibuyas at bawang). 3.50php lang siya dati kaya ubod ng mura. apat na stick lang solb na para gawing ulam sa hapunan.

toasted pandesal w/ cheese - ito common pa rin yata para sa ibang mga bahay. toasted pandesal lang at cheesewhiz ang ingredients ng meriendang ito, kinakailangan lang i-toast muna para lalabas talaga ang lasa ng cheese. nung grade school may nagbebenta sa may bakery nito, 2.00php kada piraso. samahan mo na lang ng cheers o pop cola na 3.00php lang dati. o diba? san ka pa, limang piso lang may merienda ka na!

bulilit burger - inilabas ng burger machine noong highschool ako. murang mura, 5.00php lang. halos kalahati ang liit niya kumpara sa normal na burger kaya pag binibili kadalasang by bulk orders, 4 hanggang 5 na piraso kadalasan. ang nagpapasarap dito ay ang barbicue sauce na maanghang. kung tinatanong niyo kung bakit siya mura? well, alam ko kung bakit. kadalasang ginagamit sa mga burger na ganito ay ang karne ng baka na medyo mababa na ang kaledad, mga parteng hindi na mabebenta kung hindi pa gigilingin at syempre mura ang benta dito. hindi ko sinisiraan ang burger machine, pawang katotohanan lang ang sinasabi ko. fans pa rin naman ako ng burger machine, mamaya nga kakain ako dito eh. sama kayo?

hanggang dito na lang muna, nakakagutom eh. medyo matagal pa ang lunch break ko at ayaw kong patayin ang sarili ko sa takam. happy eating.


Kuya Ace Ng Bayan at 9:58 AM



October 13, 2005

xxiii

23rd birthday celebration ko nga pala nung sabado. konti lang ang inimbitahan ko na pumunta sa aking munting pizza party. mga former classmates ko lang nung highschool/college. hindi kami nag-inuman ng alak, PRAMIS!!!



Kuya Ace Ng Bayan at 5:26 PM



gone

medyo matagal din akong nawala, medyo may mga naisulat na ko na hindi ko na nai-post dito sa blog ko. isang sakuna kase ang nangyari, ang maliit na notebook ko na pinagsusulatan ng mga random thoughts na pumapasok ng biglaan sa utak ko ay nawala. hindi ko alam kung dinukot ba ito o nahulog. sana naman nahulog na lang at nalunod sa tubig. kung may nakabasa pa nito eh nakakahiya.


DITO ANG LUMANG BLOG