The Class President
23 years old | 12 Oct 1982 tubong baguio city bunso sa tatlo DLSU-D Grad | BS Computer Science mahilig sa: tugtugin babasahin pelikula sining palakasan libre YM id: a_aspi Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet. Blackboard
Extra Curricular Activities pinoy blog bobong pinoy dlsu-d undernet peyups dekada greenarcher.net i-snare roswell sharpscripts creativeminds nba friendster PL forum guitar tabs friends fan site Classmates aimee ahvy aia aleng ava benz bone cheska clarisse cruise dada darkblak des denisse eric esteban georgie gia hanigrey jack jasper jetz juan frederico jhoanne joyce joycie kate keo kirsty klariz lei lorraine madz maky marelle martin mary mayi melai mike nerozero nix red sarge sheena sheens tala tin toyo ver very yzza Students Enrolled Review Materials
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet faculty office
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately |
August 28, 2005 growing fat??? abril ng taong kasalukuyan nung sinabi ko sa sarili ko na papagandahin ko ang aking katawan. 122 pounds lang ang timbang ko noon, 13 pounds na mas mababa sa 135 pounds na minimum normal weight para sa height ko na 5'11". ngayon, pagkalipas ng 4 na buwan, nasa 150 pounds na ang timbang ko. ibig sabihin 7 pounds ang itinataba ko kada buwan. sabi ng mga kakilala ko okey daw ang ganito, mas bagay sa kin na medyo may laman ang katawan. ang ikinakatakot ko lang ngayon ay baka hindi na tumigil ang pag-taas ng timbang ko. baka maging obese ako na kahit kelan hindi ko man lang naisip na mangyayari sa kin. kung hindi ako nagkakamali, 1 pound na lang nasa category na yata ako ng overweight, kahit kelan hindi ko naisip na posible pala mangyari sa kin ito. mukhang kulang na ang 2km walk na ginagawa ko bilang aking daily exercise. kelangan ko na rin kaya mag-gym?
August 25, 2005 takot hindi ako natutuwa sa reality based tv game show na pinamagatang fear factor. napansin ko kase medyo nalilihis na ang theme ng show sa title nito. maliban sa fear of heights parang wala na silang challenges na may temang "face your own fear"? ang pag-kain ba ng isang platong bulate na galing sa pwet ng whale nakakatakot? hindi! common sense, kaya ayaw kainin ng contestant yun dahil alam nya namang hindi pagkain, pero dahil sa pera e sige. eh yung pabilisan sa pagswimming sa kanal nakakatakot ba? hindi rin! kung wasto ang iyong pagiisip hindi ka talaga magsi-swimming dito, walang tanong tanong. pero kung dahil sa pera, sige swimming agad. sa tingin ko ang gusto palabasin ng fear factor ay "ang tao gagawa ng katangahan sa ngalan lamang ng pera". ang alam ko wala namang "fear of eating caterpillars or raw pork isaw", "fear of swimming in dirty water inside a large sewer pipe", o kaya "fear of riding a bicycle on a 6 inch wide by 10 feet long plank located 10 storeys above the ground". ayus-ayusin sana nila yung mga pinapalabas nila sa tv. yung medyo related sa title ng show. hindi naman mahirap gumawa ng challenges. eto lang mga halimbawa. ang may hydrophobia magsi-swimming. ang may claustrophobia ililigaw sa loob ng catacombs. ang may gymnophobia papanoorin ng bold. ang may hemophobia papanoorin ng madugong operasyon sa ospital. at dun sa mga takot naman mamatay, hehe, bahala na kayo magisip kung anong challenge pwde sa kanila. mas tama yata kapag ang pinapagawa nilang mga challenges ay mga normal na gawain sa araw araw na pamumuhay na ikinatatakot ng iba pero kayang kaya naman gawin ng iba ng walang pagaalinlangan. hindi yung parang ganito: pabilisan uminom ng isang basong plema habang tumutulay sa ga-tingting na patpat na may mga demonyong may hawak na tinidor na nagaabang sa ilalim.
August 23, 2005 everybody has his 15 minutes of fame masarap sa opisina namin dahil ubod ng luwag pagdating sa dress code. mainam ito para sa kin dahil convenient talaga. unang una, hindi kasi ako marunong magsintas ng kurbata. pangalawa, pwede kong nang pagsalit-salitin ang batman at spiderman costume ko. pagdating naman sa pangaraw-araw na footwear, sandals w/ white socks ang lagi kong suot. kahapon, misteryosong nabutas ang medyas ko ng hindi napapansin. kasing laki ng hinlalaki ko sa paa ang butas. nadiskubre ko na lang ito nung huhubarin ko na sa bahay. yun siguro ang dahilan kung bakit naging instant celebrity ako habang namamasyal sa sm. lahat ng kasalubong ko nakangiti.
August 17, 2005 friendster fave may napansin lang ako sa ibang accounts na nakikita ko sa friendster. kadalasan kong nakikita na ang nilalagay nilang favorite book ay "the vinci code", naisip ko tuloy kung pirated version lang ba yung "da vinci code"?
paranormal may isang pangyayari dati sa buhay ko. taon na ang nakalipas pero ngayon naalala ko ulit, kagabi lang. 1st year college, taong 1999. nagpunta kami ng mga kaklase ko sa harrison plaza matapos ang isang school concert na ginawa sa ccp. niyaya ko ang isa kong kaklaseng na kapwa kapos palad na maglakad-lakad sa paligid dahil pareho kaming walang pangkain sa chowking. habang naglalakad isang matandang babae ang tumawid sa harapan namin, mga 75-80 yrs old siguro siya. kapansin pansin siya dahil puting puti at nakalugay ang buhok niyang hanggang bewang ang haba, naka pedicure at manicure ng kulay maroon at naka bestida. pagkalampas ng matanda nagpatuloy kami sa paglalakad at pagkukwentuhan. di nagtagal napagdesisyunan namin ng aking kaibigan na tumingin ng mga cellphone sa isang bahagi ng gusali. habang tumitingin ng cellphone napansin kong nandun din ang matandang babae na nakita namin ilang minuto lang ang nakalipas. hindi ko ito sinabi sa aking kaibigan. nagpatuloy na lang ako sa pagwi-window shop. pagkatapos mangarap ng n3210 iniwan na namin ng kaklase ko ang cell area at muling pinasyalan ang iba't ibang bahagi ng gusali. medyo naging weird ang mga sumunod na pangyayari. sa paglalakad napansin kong maya't maya namin nakakasalubong o nakikita ko ang matanda, wala siyang kasama at parati siyang nakangiti. aaminin ko medyo kinilabutan talaga ako nun pero pinili ko munang manahimik. hindi nagtagal di ko na natiis kaya tinanong ko na ang kaklase ko. "pilo, may napapansin ka ba?". ang sagot niya "meron tsong, tara balik na tayo sa kanila. bilisan natin". nagmadali kaming bumalik sa chowking. kagabi, may napanaghinipan akong kakilala. ang ganda ganda niya, ang cute cute. kulay maroon ang manicure at pedicure, at suot ang bestida na katulad nung sa matanda. ano kaya ibig sabihin ng panaghinip ko?
panata posture: gumawa ng letter "L" sa pamamagitan ng hinlalaki at hintuturo, ilapat sa baba at ngumiti na parang nagpapa-cute habang binibigkas ang... "panata ng pogi bow. kaming mga konyong kalbo ay nanunumpang bakuran ang mga magagandang babae at ilayo sila sa mga hindi namin ka-uri. bibihagin namin sila sa pamamagitan ng aming bad boy attitude, porma, pera at pagpapa-cute. ang sino mang humadlang sa min na hindi namin ka-uri ay ituturing na jologs at ipapatapon sa probinsya. sisikapin namin maging isang tunay na pogi sa porma, sa salita, at sa gawa." uniform: oakley shades, hikaw, pabango, oversized shirt or jersey, oversized jeans/shorts, manyakis, e-english english, angas, pearly white rubbershoes, yosi, mamahaling cellphone, "mababang grades" (mas okey kung bagsak talaga o dropped ang subjects), cash at higit sa lahat lowered na kotse na dumadagundong ang hiphop sounds. required haircut: kalbo. maganda rin kung may bigote at balbas, mas pogi.
August 15, 2005 timbre kahapon sa van unti-unti na kong nakakatulog nang bigla akong naalimpungatan, nag-ring ng napakalakas yung cellphone nung isang pasahero sa likod na may ring tone na "because of you" non-polyphonic version. halos magiba yung kalawanging van na sinasakyan namin sa sobrang lakas ng tunog. hindi ko maintindihan kung bakit yung ibang tao kinakailangan pang i-full volume ang kanilang mga cellphones. meron pang mga hindi nakukuntento jan, naandyan pa yung ibang with matching pasigaw conversation.
August 09, 2005 libang dahil tag-ulan, nabawasan ng husto ang aking outdoor activities. hindi na ko nakakapaglaro ng basketball dahil tuwing umuulan nagkakaroon ng swimming pool sa gitna ng basketball court ng subdivision namin, hindi pa naman ako marunong lumangoy. matagal ko na ring binabalak na mag-jogging ng at least 10 kilometers tuwing sabado pero hanggang ngayon balak pa rin iyon. laging hindi natutuloy, pang artista kase ang schedule ko. laging puno. tuwing gabi na lang ang free time ko. wala na kong ibang libangan ngayon kaya balik na muna siguro ako sa pagtugtog. binuhay ko ulit ang gitara ko, bumili ng capo at pick para gamitin sa pagtugtog. nung isang linggo bumili rin pala ako ng kahon/ cajon/ beat box/ percussion box para pang drums, problema ko na lang ngayon kung sino ang tutugtog nito kapag nag-gigitara ako. buti sana kung maracas/ egg/ shaker ang binili ko, kahit lola ko pwedeng maki-jam sa kin sa pag-tugtog ng mr clay. medyo nagpa-praktis na rin ako sa pag-kanta. kung dati sa cr lang ako nagko-concert, ngayon may mga gig na ko sa iba't ibang kwarto ng karaoke hub sa sm dasmarinas paminsan minsan. bawal nga lang ang audience. halos kumpleto na rin pala ang mga mga basic instruments ko para sa isang acoustic na banda kaya kung may mga gusto maki jam, tara...
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |