Back to School... - Mga Weblogs Ni Ace

The Class President

Ace
23 years old | 12 Oct 1982
tubong baguio city
bunso sa tatlo
DLSU-D Grad | BS Computer Science
mahilig sa:
tugtugin
babasahin
pelikula
sining
palakasan
libre
YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)

Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet.

Blackboard

www.tag-board.com
Name:

Section:

Messages(smilies)

Extra Curricular Activities

billy corgan
pinoy blog
bobong pinoy
dlsu-d undernet
peyups
dekada
greenarcher.net
i-snare
roswell
sharpscripts
creativeminds
nba
friendster
PL forum
guitar tabs
friends fan site

Classmates

advent
aimee
ahvy
aia
aleng
ava
benz
bone
cheska
clarisse
cruise
dada
darkblak
des
denisse
eric
esteban
georgie
gia
hanigrey
jack
jasper
jetz
juan frederico
jhoanne
joyce
joycie
kate
keo
kirsty
klariz
lei
lorraine
madz
maky
marelle
martin
mary
mayi
melai
mike
nerozero
nix
red
sarge
sheena
sheens
tala
tin toyo
ver
very
yzza

Students Enrolled

Review Materials

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

faculty office
DO NOT ENTER

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v3.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately

July 15, 2005

kuya eys-ters forgotten dictionary

pendong - sinasabi tuwing may kalbong makikita, kadalasang sinasamahan ng simpleng kutos at thumbs up sign.

ST queen - tawag sa mga sexy stars nung early 90's.

bomba - kategorya ng pelikula kung san pinagbibidahan ng mga ST queen. pwedeng mapanood sa...

betamax - pinakasikat na entertainment system na kinakabit sa tv. hindi napipirata ang mga kopya nito, ewan ko kung baket.

laserdisc - katulad ng betamax pero di ganun ka sikat. ninuno ng vcd at dvd. kasing laki ng plaka ang mga disc para dito. hindi rin napipirata.

cloning - pagnanakaw ng load ng cellphone.

robinson's galleria - tirahan ng taong ahas.


Kuya Ace Ng Bayan at 8:22 PM



July 08, 2005

hule ka!



"The man who can smile when things go wrong has thought of someone else he can blame it on."

-Robert Bloch


Kuya Ace Ng Bayan at 10:42 AM



July 07, 2005

Panuto: BAWAL BASAHIN!!!!

sa school-- merong short quiz, surprise quiz, long quiz, monthly exam, periodical exam, seatwork, home work, quarterly exam, diagnostic test, written exam, practical exam, prelims, midterms, finals, oral exam, I.Q. exam, drug test, entrance exam at takehome exam. kung minsan, bago pa makapag-enroll kelangan pa ng physical exam.

kagaya ng mga nabanggit sa ibabaw, ang entry na ito ay isang uri ng exam at kung umabot dito ang iyong pagbabasa ibig sabihin bagsak ka na dahil hindi ka marunong sumunod sa panuto.

kung naging teacher mo yung matandang dalaga dun sa school ko dati, naliligo ka na ng laway ngayon habang sinisigawan ng "I SAID FOLLOW THE DIRECTIONS CAREFULLY!!!".

ang mga tao hindi marunong sumunod, simpleng instructions parang hindi pa maintindihan. kelangan pang labagin muna ito at tingnan kung ano ang mangyayari. kung makalusot, makalamang, mapadali o makadaya edi olrayt!! saka na lang susundan ang panuto kapag nalaman na bale wala ang paglabag dito o kung may masama nang nangyari/mangyayari kapag di ito sinunod.

haysusmaryosep! tao nga naman talaga.

konting disiplina lang.


TWIST:

kung palitan ko kaya ang title ng "MAY TAE SA SALWAL ANG NAGBABASA NITO". maging cause kaya ito para sumunod ang mga tao. may kutob ako na oo.

palitan na rin natin ang mga ipinapaskil sa mga sa paligid:

-"MUKHANG UNGGOY ANG NAGTATAPON NG BASURA"
-"SUPOT ANG UMIIHI SA PADER"
-"MAY ANGHIT ANG HINDI MARUNONG PUMILA"
-"MGA NATATAE LANG ANG PWEDE LUMAMPAS NG 60KPH"
-"KUPAL AKO KAYA TUMATAWID AKO"

watchatink?!? magkaron kaya ng konting disiplina?

inspired by bob ong's "mga kwentong barbero"


Kuya Ace Ng Bayan at 7:07 PM



July 02, 2005

kay susan tayo!!!!

pweh!!!

kung nanonood ka ng tv nitong huling mga araw malamang nakita mo rin ang napanood ko. si susan roces at ang katagang "hindiiiiiiii ko tinatanggap ang iyong soriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!". ang galing, nanginginig pa yung mukha niya habang nanggagalaiti. ewan ko, heroic act daw yun sabi ng mga kapartido niya. natawa lang ako. naisip ko tuloy, may mga natawa rin kaya nung sumigaw sina andres bonifacio ng "mabuhaaaay ang pilipinoooooooo!!!!"? malay ko ba. hehe.

although lagi akong updated tungkol sa kung anu anong mga bagay bagay na nangyayari sa ating bansa, bihira kong talakayin ang mga usapang tungkol sa pulitika. si manuel l. quezon pa yata ang presidente nung huli akong nagsalita tungkol sa ganitong mga bagay.

ngayon, magsasalita na ulit ako.

bwisit na bwisit ako kapag nakakakita ako ng mga bobong celebrity na gustong magkaroon ng pwesto sa gobyerno. ang titigas ng mga mukha nila, sarap hampasin ng yellow pages. at ang masaklap dun nananalo pa sila. punyemas!!! at dun sa mga sumusuporta sa kanila magisip-isip naman sana kayo ng mabuti. parang sumakay kayo ng eroplano na ang piloto nito hindi marunong magpalipad ng eroplano. tuwang-tuwa pa kayo!!

naaalala ko bago eleksyon. sa tv, tinanong ang ilang mga tao kung sino ang iboboto nila at kung bakit. may mga narinig akong kagaguhan. ganito. "si [pangalan ng artista] ang iboboto namin sa pagka-presidente. sawa na kami dun mga marunong, wala rin naman kaseng nangyayari. baka yung walang alam may magawa". putcha, anong klaseng pangangatwiran yun??? applicable rin kaya yun sa asian games? padala kaya tayo ng isang basketball team na hindi man lang marunong sumalo ng bola ang mga miyembro. makapag gold medal kaya ang pilipinas???

hay nako, pilipinas talaga. sa kasalukuyan parang hopeless ang lagay ng gobyerno sa ating bansa.

sana balang araw magbago ang ikot ng mundo. sana balang araw maintindihan ng mga tao na hindi trabaho ng presidente ang taga-abot ng pagkain/relief goods. sana balang araw maintindihan ng tao na hindi pangunahing tungkulin ng gobyerno ang mamigay ng libreng pagkain, pera, bahay at lupa ng direkta. at sana balang araw 'wag na sanang balakin ni judy ann santos na tumakbo para sa pagka-pangulo.


DITO ANG LUMANG BLOG