Back to School... - Mga Weblogs Ni Ace

The Class President

Ace
23 years old | 12 Oct 1982
tubong baguio city
bunso sa tatlo
DLSU-D Grad | BS Computer Science
mahilig sa:
tugtugin
babasahin
pelikula
sining
palakasan
libre
YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)

Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet.

Blackboard

www.tag-board.com
Name:

Section:

Messages(smilies)

Extra Curricular Activities

billy corgan
pinoy blog
bobong pinoy
dlsu-d undernet
peyups
dekada
greenarcher.net
i-snare
roswell
sharpscripts
creativeminds
nba
friendster
PL forum
guitar tabs
friends fan site

Classmates

advent
aimee
ahvy
aia
aleng
ava
benz
bone
cheska
clarisse
cruise
dada
darkblak
des
denisse
eric
esteban
georgie
gia
hanigrey
jack
jasper
jetz
juan frederico
jhoanne
joyce
joycie
kate
keo
kirsty
klariz
lei
lorraine
madz
maky
marelle
martin
mary
mayi
melai
mike
nerozero
nix
red
sarge
sheena
sheens
tala
tin toyo
ver
very
yzza

Students Enrolled

Review Materials

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

faculty office
DO NOT ENTER

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v3.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately

March 20, 2006

quotes

galing sa mga kung sinu-sino na nakasalamuha ko sa tunay na buhay...


"bat ba parati mo na lang ako tinatabla? siguro may gusto ka rin sa kanya no?"

- mr adonis, 1999

***


"dati, crush ko dapat yung sa hanson eh"

- mr sentra, 2003

***


"hindi ako yung umutot, sinisira niyo pangalan ko!"

- mr coleman, 1997

***


"pogi ka rin naman hindi lang halata"

- mr pogi, 2004

***


"kung may cellphone lang ako kayang kaya ko manligaw"

- el gwapito, 2000

***


"ahas ka, tinuturuan pa naman din kita ng technique sa panliligaw tapos gagamitin mo lang pala kay __________"

- mr tag-ulan, 2005


Kuya Ace Ng Bayan at 4:57 PM



March 19, 2006

the future embrace

hindi man ako naniniwala, pumayag akong basahin ng kaibigan kong koreana ang mga linya sa aking palad, for the sake of katuwaan.

magaganda yung mga nabanggit niyang mga bagay tungkol sa kin at sa kapalaran ko, sa sobrang ganda parang gusto ko maniwala na magkakatotoo lahat ng sinabi sa kin.

unang sinabi niya tungkol sa kin ay mahaba-haba daw buhay ko, mga kasing haba ng kay abraham.

kung titingnan ang larawan ng kamay ko mapapansin na ang horizontal line nito ay malinaw at diretso. matatag na career daw ang ibig sabihin nito.

sa lab layp naman ang magiging asawa ko daw ay maputi at maganda na wala nang iba kung hindi si maxene magalona, hindi daw siya tumitingin sa ibang lalaki kung hindi sa akin lang.

ang saya no?


Kuya Ace Ng Bayan at 11:49 AM



March 16, 2006

chismis

matatagpuan ang kalye na iyan sa subdivision namin at sa dulo nito nakatayo ang dating bahay ng kakilala ko na itatago na lang natin sa pangalang kaibigan2. sa entry na ito matatagpuan naman ang ilang kwento tungkol sa nasabing bahay.



kwento 1:

isang araw nagpunta si kaibigan1 sa bahay ni kaibigan2 para humiram ng bola ng basketball.

kaibigan1: (nagtanong sa bata na nasa loob ng gate) anjan ba si kaibigan2?
bata: (umiling)
kaibigan1: eh si kaibigan3 dumaan jan?
bata: (umiling)
kaibigan1: ano oras uwi nila?
bata: (umiling)

kinagabihan sa tindahan...

kaibigan1: bakit mo naman iniiwan anak mo sa bahay ng magisa.
kaibigan2: umalis kami lahat kanina.
kaibigan1: eh nakausap ko kanina yung kulot.
kaibigan2: wala akong anak na kulot pero kilala ko na kung sino yung nakita mo... nakasuot ng puti, at may hawak na manyika no?
kaibigan1: oo...
kaibigan2: marami nang pinakitahan yun..



kwento 2:

isang maulan na hapon tumakbo si kaibigan1 papunta sa tindahan...

kaibigan1: pahingi ng tubig!!
kaibigan2: o ano nangyari sa iyo? namumutla ka?
kaibigan1: nakita ko ulit yung bata sa harap ng bahay niyo na nagtatampisaw sa tubig.

kwento 3:

isang araw naglalaro ng basketbol sa garahe si kaibigan2 at ang kanyang anak...

anak: daddy, mumu!!!
kaibigan2: (tumakbo paloob ng bahay)



kwento 4:

kamakailan lang nagtanong sa kaibigan ko ang korean (itago natin sa pangalang kim sam soon) na nangungupahan ngayon sa nasabing bahay.

kim sam soon: is there a ghost in our house?
kaibigan4: i don't know, why?
kim sam soon: because i see children sometimes. and also, four yayas already left us... crying... never came back.


Kuya Ace Ng Bayan at 1:43 PM



March 10, 2006

domino

"abra ka dabra sis bumba
indyan pana kakana kana
um shigi shigi um shigi shigi uwa
ang na ang na su ma la pu hin
kowk ko to! kowk ko to! kowk ko to!"

you have just read a latin prayer of death. send to 15 people with in the next 10 mins or else something bad will happen to you.



ang dami kong natatanggap na ganyang message sa bulletin board ng friendster na hindi ko naman nare-repost. kung totoo talaga ang mga iyan malamang matagal na dapat akong patay. kung pusa ako ubos na ang siyam kong buhay at desperado na kong makakuha ng 1up.

sari-saring chismis ang nakikita ko sa friendster. yung iba plataporma yata ng tumakbong mayor na ipinaskil sa bulletin board. yung tipong kung ano anong mga pangako ng grasya ang nakalagay at matutupad daw sa kalagitnaan ng hating gabi basta mai-repost mo ang nasabing message.

ang paborito kong chismis na kumalat sa text/internet ay yung may lalaking hiv positive daw na naglalagay ng dugo niya sa dispenser ng ketchup. astig yung gumawa nun, kahit yung erpats kong wala namang textmate nakatanggap ng ganon.


Kuya Ace Ng Bayan at 4:18 PM



March 05, 2006

a family that prays together stays together

tita cory, last week napanood ko kayo sa tv. anong gingagawa niyo sa camp aguinaldo? hehehe, gusto niyong makita kayo sa tv no? tv opportunity ba? bwahahaha kawawa naman kayo at hindi kayo pinapasok. belat, buti nga! yung mga lasallian brothers at st joseph sisters nakapasok sa loob, sila may libreng sandwich at zesto, ikaw wala!

ha? magdadasal ka lang ba dun? bakit dun pa? hindi ba pwedeng dun sa ibang chapel na lang? dun sa mas tahimik para mas madaling mag-concentrate.

tita, alam mo ba nung laban ni kuya pacquiao. yung nanay niya dun lang nagdasal sa kapilya sa malapit sa bahay nila sa gen santos. ang galing no? nasagot pa rin yung dasal niya. isipin mo ang layo layo nun sa las vegas. siguro katulad din naman ng ganun yung kaso ng ipinagdadasal niyo, na kahit sa loob pa ng cr ikaw mag-dasal madidinig ka pa rin ng Diyos at tutugunan niya ito kung nararapat. hindi mo na kinailangan na magpumilit magdasal sa kapilya sa camp aguinaldo. ewan ko lang, pero nasa sa inyo na rin po iyon.

ha? ganon? kung sa simbahan sa las vegas nag-dasal yung nanay ni kuya pacquiao, 1st round pa lang knock out na dapat si morales?


***


may ipinabasa sa kin, at gusto ko itong ibahagi. eto siya, click here.


DITO ANG LUMANG BLOG