![]() |
||||
The Class President
23 years old | 12 Oct 1982 tubong baguio city bunso sa tatlo DLSU-D Grad | BS Computer Science mahilig sa: tugtugin babasahin pelikula sining palakasan libre YM id: a_aspi Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet. Blackboard
Extra Curricular Activities pinoy blog bobong pinoy dlsu-d undernet peyups dekada greenarcher.net i-snare roswell sharpscripts creativeminds nba friendster PL forum guitar tabs friends fan site Classmates aimee ahvy aia aleng ava benz bone cheska clarisse cruise dada darkblak des denisse eric esteban georgie gia hanigrey jack jasper jetz juan frederico jhoanne joyce joycie kate keo kirsty klariz lei lorraine madz maky marelle martin mary mayi melai mike nerozero nix red sarge sheena sheens tala tin toyo ver very yzza Students Enrolled Review Materials
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet faculty office
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately |
May 23, 2005 buhay estudyante: revisited dahil ang tema ng aking blog ngayon ay "back to school", ibabagay natin ang unang official entry dito. game. pagkatapos ng graduation alam ko agad na may mga bagay na habang buhay ko na hahanap-hanapin. mga bagay at pangyayari na nagaganap lamang tuwing nasa school at estudyante ka pa. heto ang mga bagay na nakaka-miss: -miss ko na isuot ang aking school uniform. -miss ko na ang allowance na binibigay sa kin. -miss ko na ang mananghalian sa carinderia/fastfood na sawang sawa na ko kainan dati. -miss ko na magdala ng mabigat na bag tuwing may klase sa PE. -miss ko na mag-vandal sa mga armchair at pader. -miss ko na ang makipag-patintero sa guard tuwing nakalimutan ang id. -miss ko na ang mag-cram ng assignments. (nagmamadali sa pangongopya ng sagot ng kaklaseng matalino) -miss ko na daanan ang ruta na araw-araw kong tinatahak noon sa loob ng apat na taon. -miss ko na ang makipagsapalaran sa pila tuwing enrollment o kuhanan ng exam permit, clearance at class cards. -miss ko na ang aking mga classmates. -miss ko na mag-cut ng klase. -miss ko na ang manghingi ng yellow pad sa kaklase. -miss ko na ang manghiram ng ballpen sa aking kaklase. -miss ko na ang makipagdebate tungkol sa mga bagay na hindi naman pala talaga mahalaga. -miss ko na magbigay ng code names sa mga teachers at students. -miss ko na ang mga taunang recollection /retreat. -miss ko na tumambay sa mga lugar na alam kong teritoryo na ng mga bagong estudyante ngayon. -miss ko na ang mangamote sa exam. -miss ko na mangopya ng sagot sa katabi na nangangamote rin pala. -miss ko na ang pagpupuyat tuwing may case study o kaya thesis. -miss ko na ang mag-sight seeing ng magagandang dilag. (hehe. hanggang simoy lang ang kaya namin gawin.) -miss ko na ang mga bakasyon katulad ng sembreak at summer vacation. -miss ko na ang umupo sa klase upang makinig o makipag kwentuhan sa katabi. -miss ko na ang mapahiya sa klase. -miss ko na ang mga corny jokes ng matatandang professors. -miss ko na ang pagiging kabado tuwing reporting. -miss ko na ang gumawa ng excuses. -miss ko na ang iba't ibang species ng professor. hindi ako makapaniwala, namimiss ko ang pagaaral. "i never let schooling interfere with my education" hindi ko na matandaan kung sino ang sumulat niyan pero tama nga naman siya, hindi lamang edukasyon ang napupulot sa paaralan kung di pati na rin ang mga experiences na makakapag-hubog sa personalidad ng isang tao. -wakas *salamat sa correction at mali nga ang nailagay ko nung una.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |