![]() |
||||
The Class President
23 years old | 12 Oct 1982 tubong baguio city bunso sa tatlo DLSU-D Grad | BS Computer Science mahilig sa: tugtugin babasahin pelikula sining palakasan libre YM id: a_aspi Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet. Blackboard
Extra Curricular Activities pinoy blog bobong pinoy dlsu-d undernet peyups dekada greenarcher.net i-snare roswell sharpscripts creativeminds nba friendster PL forum guitar tabs friends fan site Classmates aimee ahvy aia aleng ava benz bone cheska clarisse cruise dada darkblak des denisse eric esteban georgie gia hanigrey jack jasper jetz juan frederico jhoanne joyce joycie kate keo kirsty klariz lei lorraine madz maky marelle martin mary mayi melai mike nerozero nix red sarge sheena sheens tala tin toyo ver very yzza Students Enrolled Review Materials
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet faculty office
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately |
June 21, 2005 taong paniki bibihira lang talaga ako makapanood ng sine, mga once in a blue moon lang. kadalasan hinihintay ko na lang na lumabas ang original vcd ng inaabangan kong pelikula o kaya pag meron nang magandang kopya ng pirated dvd kay jamal (generic name para sa mga nagbebenta ng dibidi sa bangketa). dahil father's day nung linggo, nakahanap ako ng dahilan para gumastos ng 70 pesos at manood sa sinehan (nakalimutan ko pala isama yung tatay ko upang manood). batman begins ang napili kong panoorin. medyo nahuli ako ng konti sa last full show, mga 5 mins siguro yun. medyo natagalan kase yung fries ng in-order kong burger mcdo meal, GO BIG TIME. binubungkal pa lang yata nila yung lupa at inaani ang mga patatas nung umo-order ako. kulang ng 5 mins ang napanood ko kaya pagtiyagaan niyo na lang ang aking movie summary. ayoko nang gumastos ulit ng 70 pesoseses para lang mapanood ang umpisa ng batman at ang mga previews bago magsimula ang pelikula. REACTION PAPER: nagsimula ang batman begins nung bata pa si bruce wayne. mahilig si bruce maglaro sa kanilang bakuran na kasing laki yata ng hacienda luisita. isang araw habang tumatakbo takbo sa bakuran nila aksidenteng nahulog siya sa isang well. kata-katakang walang tubig sa loob nito kaya't sa pag-bagsak ni bruce hindi niya napigilang sumigaw ng "areku po!". nabulabog ang mga bats na naninirahan sa loob at nanugod. nakagat siya ng isang radioactive bat at pagkatapos nun nagdesisyon na siyang maging si batman. isang araw pinatay ang mga magulang niya, namulat na si bruce sa bulag na katotohanan. gusto niyang gumanti. mapait ang buhay. dagdag pa rito ang panget na palakad ng gobyerno sa gotham city katulad sa pilipinas. maraming magnanakaw at maraming corrupt na public officials katulad sa pilipinas ulit. dahil concerned citizen si bruce, inanyayahan niya ang akbayan, pmap, gabriela, bayan muna at kmu upang magwelga ngunit busy ang mga aktibistang grupong ito sa pagprotesta kay gma tungkol sa wire tapped conversations. wala na siyang nagawa. nagpunta na lang si bruce sa japan at nagaral ng karate, jujitsu, taekwondo, judo, c++, culinary arts, at ballet dancing sa loob ng pitong taon. bumalik siya sa gotham city upang ipaghiganti ang mga magulang niya. ngunit bago pa niya mabanatan ang pumatay sa magulang niya naunahan na siya ng ibang tao. ito marahil ang dahilan kung bakit ugali ni batman na hindi patayin ang mga masasamang taong nahuhuli niya, binibigyan niya ng pagkakataaon ang mga napagsamantalahan ng mga ito upang makaganti. dumating ang panahon na may isang grupo na gustong sumalakay sa gotham city. nagpapakalat sila ng gas na nakakaulol at kung hindi pa rin ito gumana ay namimigay sila ng chickenjoy meal sa kung sino mang sasanib sa kanilang samahan. hindi ito nagustuhan ni batman kaya't to the rescue siya agad gamit ang kanyang bat tank. umabot sa tren ang habulan ni batman at ng bigboss, dito din kasi sana papakalatin ang sangkatutak na nakaka-ulol na gas. dahil nasa tren inasahan ko na masisira ang preno nito. ganun nga ang nangyari. kahit na todo bilis na ang takbo ng tren nagsuntukan pa rin ang bigboss at si batman hanggang sa matalo ang isa sa kanila. siyempre panalo ang bida. nakatakas si batman. sumemplang ang tren at namatay ang kalaban. the end. bonus: may isang quotable quote na binanggit sa pelikula. favorite ko na nga ito ngayon. ang makakapagsabi nito plus 10 sa recitation.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |