![]() |
||||
The Class President
23 years old | 12 Oct 1982 tubong baguio city bunso sa tatlo DLSU-D Grad | BS Computer Science mahilig sa: tugtugin babasahin pelikula sining palakasan libre YM id: a_aspi Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet. Blackboard
Extra Curricular Activities pinoy blog bobong pinoy dlsu-d undernet peyups dekada greenarcher.net i-snare roswell sharpscripts creativeminds nba friendster PL forum guitar tabs friends fan site Classmates aimee ahvy aia aleng ava benz bone cheska clarisse cruise dada darkblak des denisse eric esteban georgie gia hanigrey jack jasper jetz juan frederico jhoanne joyce joycie kate keo kirsty klariz lei lorraine madz maky marelle martin mary mayi melai mike nerozero nix red sarge sheena sheens tala tin toyo ver very yzza Students Enrolled Review Materials
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet faculty office
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately |
July 02, 2005 kay susan tayo!!!! pweh!!! kung nanonood ka ng tv nitong huling mga araw malamang nakita mo rin ang napanood ko. si susan roces at ang katagang "hindiiiiiiii ko tinatanggap ang iyong soriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!". ang galing, nanginginig pa yung mukha niya habang nanggagalaiti. ewan ko, heroic act daw yun sabi ng mga kapartido niya. natawa lang ako. naisip ko tuloy, may mga natawa rin kaya nung sumigaw sina andres bonifacio ng "mabuhaaaay ang pilipinoooooooo!!!!"? malay ko ba. hehe. although lagi akong updated tungkol sa kung anu anong mga bagay bagay na nangyayari sa ating bansa, bihira kong talakayin ang mga usapang tungkol sa pulitika. si manuel l. quezon pa yata ang presidente nung huli akong nagsalita tungkol sa ganitong mga bagay. ngayon, magsasalita na ulit ako. bwisit na bwisit ako kapag nakakakita ako ng mga bobong celebrity na gustong magkaroon ng pwesto sa gobyerno. ang titigas ng mga mukha nila, sarap hampasin ng yellow pages. at ang masaklap dun nananalo pa sila. punyemas!!! at dun sa mga sumusuporta sa kanila magisip-isip naman sana kayo ng mabuti. parang sumakay kayo ng eroplano na ang piloto nito hindi marunong magpalipad ng eroplano. tuwang-tuwa pa kayo!! naaalala ko bago eleksyon. sa tv, tinanong ang ilang mga tao kung sino ang iboboto nila at kung bakit. may mga narinig akong kagaguhan. ganito. "si [pangalan ng artista] ang iboboto namin sa pagka-presidente. sawa na kami dun mga marunong, wala rin naman kaseng nangyayari. baka yung walang alam may magawa". putcha, anong klaseng pangangatwiran yun??? applicable rin kaya yun sa asian games? padala kaya tayo ng isang basketball team na hindi man lang marunong sumalo ng bola ang mga miyembro. makapag gold medal kaya ang pilipinas??? hay nako, pilipinas talaga. sa kasalukuyan parang hopeless ang lagay ng gobyerno sa ating bansa. sana balang araw magbago ang ikot ng mundo. sana balang araw maintindihan ng mga tao na hindi trabaho ng presidente ang taga-abot ng pagkain/relief goods. sana balang araw maintindihan ng tao na hindi pangunahing tungkulin ng gobyerno ang mamigay ng libreng pagkain, pera, bahay at lupa ng direkta. at sana balang araw 'wag na sanang balakin ni judy ann santos na tumakbo para sa pagka-pangulo.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |