![]() |
||||
The Class President
23 years old | 12 Oct 1982 tubong baguio city bunso sa tatlo DLSU-D Grad | BS Computer Science mahilig sa: tugtugin babasahin pelikula sining palakasan libre YM id: a_aspi Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet. Blackboard
Extra Curricular Activities pinoy blog bobong pinoy dlsu-d undernet peyups dekada greenarcher.net i-snare roswell sharpscripts creativeminds nba friendster PL forum guitar tabs friends fan site Classmates aimee ahvy aia aleng ava benz bone cheska clarisse cruise dada darkblak des denisse eric esteban georgie gia hanigrey jack jasper jetz juan frederico jhoanne joyce joycie kate keo kirsty klariz lei lorraine madz maky marelle martin mary mayi melai mike nerozero nix red sarge sheena sheens tala tin toyo ver very yzza Students Enrolled Review Materials
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet faculty office
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately |
August 17, 2005 paranormal may isang pangyayari dati sa buhay ko. taon na ang nakalipas pero ngayon naalala ko ulit, kagabi lang. 1st year college, taong 1999. nagpunta kami ng mga kaklase ko sa harrison plaza matapos ang isang school concert na ginawa sa ccp. niyaya ko ang isa kong kaklaseng na kapwa kapos palad na maglakad-lakad sa paligid dahil pareho kaming walang pangkain sa chowking. habang naglalakad isang matandang babae ang tumawid sa harapan namin, mga 75-80 yrs old siguro siya. kapansin pansin siya dahil puting puti at nakalugay ang buhok niyang hanggang bewang ang haba, naka pedicure at manicure ng kulay maroon at naka bestida. pagkalampas ng matanda nagpatuloy kami sa paglalakad at pagkukwentuhan. di nagtagal napagdesisyunan namin ng aking kaibigan na tumingin ng mga cellphone sa isang bahagi ng gusali. habang tumitingin ng cellphone napansin kong nandun din ang matandang babae na nakita namin ilang minuto lang ang nakalipas. hindi ko ito sinabi sa aking kaibigan. nagpatuloy na lang ako sa pagwi-window shop. pagkatapos mangarap ng n3210 iniwan na namin ng kaklase ko ang cell area at muling pinasyalan ang iba't ibang bahagi ng gusali. medyo naging weird ang mga sumunod na pangyayari. sa paglalakad napansin kong maya't maya namin nakakasalubong o nakikita ko ang matanda, wala siyang kasama at parati siyang nakangiti. aaminin ko medyo kinilabutan talaga ako nun pero pinili ko munang manahimik. hindi nagtagal di ko na natiis kaya tinanong ko na ang kaklase ko. "pilo, may napapansin ka ba?". ang sagot niya "meron tsong, tara balik na tayo sa kanila. bilisan natin". nagmadali kaming bumalik sa chowking. kagabi, may napanaghinipan akong kakilala. ang ganda ganda niya, ang cute cute. kulay maroon ang manicure at pedicure, at suot ang bestida na katulad nung sa matanda. ano kaya ibig sabihin ng panaghinip ko?
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |