![]() |
||||
The Class President
23 years old | 12 Oct 1982 tubong baguio city bunso sa tatlo DLSU-D Grad | BS Computer Science mahilig sa: tugtugin babasahin pelikula sining palakasan libre YM id: a_aspi Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet. Blackboard
Extra Curricular Activities pinoy blog bobong pinoy dlsu-d undernet peyups dekada greenarcher.net i-snare roswell sharpscripts creativeminds nba friendster PL forum guitar tabs friends fan site Classmates aimee ahvy aia aleng ava benz bone cheska clarisse cruise dada darkblak des denisse eric esteban georgie gia hanigrey jack jasper jetz juan frederico jhoanne joyce joycie kate keo kirsty klariz lei lorraine madz maky marelle martin mary mayi melai mike nerozero nix red sarge sheena sheens tala tin toyo ver very yzza Students Enrolled Review Materials
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet faculty office
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately |
August 25, 2005 takot hindi ako natutuwa sa reality based tv game show na pinamagatang fear factor. napansin ko kase medyo nalilihis na ang theme ng show sa title nito. maliban sa fear of heights parang wala na silang challenges na may temang "face your own fear"? ang pag-kain ba ng isang platong bulate na galing sa pwet ng whale nakakatakot? hindi! common sense, kaya ayaw kainin ng contestant yun dahil alam nya namang hindi pagkain, pero dahil sa pera e sige. eh yung pabilisan sa pagswimming sa kanal nakakatakot ba? hindi rin! kung wasto ang iyong pagiisip hindi ka talaga magsi-swimming dito, walang tanong tanong. pero kung dahil sa pera, sige swimming agad. sa tingin ko ang gusto palabasin ng fear factor ay "ang tao gagawa ng katangahan sa ngalan lamang ng pera". ang alam ko wala namang "fear of eating caterpillars or raw pork isaw", "fear of swimming in dirty water inside a large sewer pipe", o kaya "fear of riding a bicycle on a 6 inch wide by 10 feet long plank located 10 storeys above the ground". ayus-ayusin sana nila yung mga pinapalabas nila sa tv. yung medyo related sa title ng show. hindi naman mahirap gumawa ng challenges. eto lang mga halimbawa. ang may hydrophobia magsi-swimming. ang may claustrophobia ililigaw sa loob ng catacombs. ang may gymnophobia papanoorin ng bold. ang may hemophobia papanoorin ng madugong operasyon sa ospital. at dun sa mga takot naman mamatay, hehe, bahala na kayo magisip kung anong challenge pwde sa kanila. mas tama yata kapag ang pinapagawa nilang mga challenges ay mga normal na gawain sa araw araw na pamumuhay na ikinatatakot ng iba pero kayang kaya naman gawin ng iba ng walang pagaalinlangan. hindi yung parang ganito: pabilisan uminom ng isang basong plema habang tumutulay sa ga-tingting na patpat na may mga demonyong may hawak na tinidor na nagaabang sa ilalim.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |