![]() |
||||
|
The Class President
23 years old | 12 Oct 1982 tubong baguio city bunso sa tatlo DLSU-D Grad | BS Computer Science mahilig sa: tugtugin babasahin pelikula sining palakasan libre YM id: a_aspi Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet. Blackboard
Extra Curricular Activities pinoy blog bobong pinoy dlsu-d undernet peyups dekada greenarcher.net i-snare roswell sharpscripts creativeminds nba friendster PL forum guitar tabs friends fan site Classmates aimee ahvy aia aleng ava benz bone cheska clarisse cruise dada darkblak des denisse eric esteban georgie gia hanigrey jack jasper jetz juan frederico jhoanne joyce joycie kate keo kirsty klariz lei lorraine madz maky marelle martin mary mayi melai mike nerozero nix red sarge sheena sheens tala tin toyo ver very yzza Students Enrolled Review Materials
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet faculty office
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately |
September 05, 2005 hindi kumpleto ang drinking sessions kapag hindi kinakanta ang "PARE KO" "hi, i'm punk zappa and my hobbies are listening to the radio, reading the song hits, and eating the bulate fishball" kung alam mo yan malamang magkakasundo tayo pagdating sa music appetite lalong lalo na pagdating sa opm. galing yan sa album na "circus" ng bandang minahal ko noong dekada 90. sa biyernes bibili ako ng cd nila, miss ko na kase ang mga kanta ng eraserheads na matagal ko nang hindi naririnig kagaya ng kailan, minsan, wishing wells, with a smile, magasin, at iba pa. malaki ang naging impluwensya sa kin ng bandang ito, lalong lalo na nung highschool pa ko. isa sila sa mga dahilan kung bakit ako nalulong sa paggigitara. naaalala ko na sinasabayan ng buong klase ang "paparap pap pap papap" ng kantang "alapaap" (wala pang ganyan sa commercial ng mcdo noon). at kahit na nakakaasiwa na sa mga katagang "solid!" at "forever!" matiyaga ko pa ring inaabangan ang mga awit nila sa radyo (sa LSFM at cool 106 kase kadalasan silang naririnig lalo na sa top10 countdown). magmula sa "ultraelectromagnetic pop" hanggang sa "aloha milkyway" sinubaybayan ko ang bawat kantang pinapasikat nila. ang dami nga naman, isang katutak. memorize ko halos lahat, fanatic eh. at para patunayan na nasa puso ko pa rin ang mga awit nila, heto ang isa sa mga paborito ko. memorize ko pa rin kahit matagal ko nang hindi naririnig. MINSAN minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan may mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay sa ilalim ng iisang bubong mga sekretong ibinubulong kahit na anong mangyari kahit na saan ka man patungo ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan at kung sakaling gipitin ay laging iisipin na minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin inuman sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan sa ilalim ng bilog na buwan mga tiyan nati'y walang laman ngunit kahit na walang pera ang bawat gabi'y anong saya ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan at kung sakaling gipitin ay laging iisipin na minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari kahit na anong gawin lahat ng bagay ay merong hangganan dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan ngunit kung sakaling mapadaan baka ikaw ay aking tawagan dahil minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan ngayon, naandiyan ang bandang "the mongols" (banda ni ely buendia ngayon) at "cambio" (banda ngayon nila buddy at raimund, plus kris yung babaeng pumalit kay ely bilang bokalista dati), kapwa sila magagaling pero iba pa rin talaga ang orig na e-heads nung 90's... well, ganun nga lang talaga kapag sumikat. dalawa lang ang pwede mangyari, either ma-laos or mag-disband or both. *kaya ako bibili ulit ng circus album dahil nasira na yung cassette tape ko nito. langya kase yung kaibigan kong nanghiram nito, binack-mask yung tape. ayun, kinain tuloy.
|
|||
| DITO ANG LUMANG BLOG | ||||