![]() |
||||
The Class President
23 years old | 12 Oct 1982 tubong baguio city bunso sa tatlo DLSU-D Grad | BS Computer Science mahilig sa: tugtugin babasahin pelikula sining palakasan libre YM id: a_aspi Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet. Blackboard
Extra Curricular Activities pinoy blog bobong pinoy dlsu-d undernet peyups dekada greenarcher.net i-snare roswell sharpscripts creativeminds nba friendster PL forum guitar tabs friends fan site Classmates aimee ahvy aia aleng ava benz bone cheska clarisse cruise dada darkblak des denisse eric esteban georgie gia hanigrey jack jasper jetz juan frederico jhoanne joyce joycie kate keo kirsty klariz lei lorraine madz maky marelle martin mary mayi melai mike nerozero nix red sarge sheena sheens tala tin toyo ver very yzza Students Enrolled Review Materials
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet faculty office
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately |
October 24, 2005 layaw halos magdadalawang linggo na ang nakalipas matapos ang 23rd birthday ko at hanggang ngayon ay wala pa akong regalo sa sarili ko kung hindi ang egg/shaker na ginagamit namin ng barkada tuwing nagtutugtugan kami. hindi pa ko kuntento sa egg/shaker na bago kaya may listahan pa ko ng mga gusto ko bilihin sa susunod na sweldo. item: book title: veronika decides to die description: sinulat ni paulo coelho na lumikha rin ng paborito kong libro na "the alchemist". medyo na-curious ako sa librong ito dahil sa plot ng kwento. kung nagustuhan ko ng husto ang the alchemist kahit na medyo malabo ang paniniwala ko sa concept ng destiny pano pa kaya itong istorya ni veronika kung saan mas madaling maka-relate sa mundong iniikutan niya. price: 375.00php item: audio cd title: urbandub - embrace description: ito ang pangatlong album ng paborito kong banda na nagmula sa cebu. nabalitaan ko sa website (click here)na lalabas ang pinakabago nilang likha ngayong oktubre. lumabas na nga ang pinaka-unang single nila sa nu107 kamakialan lang, hindi ko pa naririnig pero sigurado ako maganda ito. nakailang balik na ako sa odessey at astroplus pero hindi pa rin available ang album nila. tiningnan ko rin sa ever reliable na tower records at music1 pero wala din. gusto ko sana before mag-november makabili na ko para naman may bago na kong papakinggan. price: 250.00php to 280.00php item: shorts title: not applicable, brand siguro pwede pa.. description: mas ok siguro kung board shorts ang mabili ko. gusto ko ang ganitong uri ng shorts dahil manipis ito at presko. pwede rin gamitin pang swimming at bagay na bagay pang surfing kahit na hindi ako marunong at wala akong surf board. may nakursunadahan na ko sa mossimo at bench na nakita ko nung isang buwan pa, gagamitin ko sana sa swimming reunion ng klase namin nung college. ayoko sana bumili pero puro hibla na ng sinulid ang shorts kong binili kaya kelangan ko na tong palitan. price: 475.php to 800.00 php item: video cd title: matrix, matrix reloaded, matrix revolutions, animatrix description: vcd format ng mga ito ang bibilhin ko dahil nagloloko ang dvd function ng dvd player namin. isa pa sale kasi ang mga vcd sa astroplus kaya ang bawat isa sa kanila ay nasa bargain price lang. na-amaze ako sa concept ng pelikulang ito although medyo na disappoint ako sa final part ng trilogy. bibilhin ko ang lang ang final part dahil ayoko maging bungal ang collection ko at kung sakali baka sa 2nd time na mapanood ko magbago ang impression ko sa movie kagaya na lang ng nangyari sa 2nd time ko pinanood ang pelikulang korean na pinamagatang my sassy girl. price: 99.00php each, mura kasi sale all in all aabot ng 1851.00php ang gagastusin ko kung mabili ko lahat. grrrr ang laki nanaman ng gastos ko... bakit ba kung minsan hindi ko mapigilan?
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |