![]() |
||||
The Class President
23 years old | 12 Oct 1982 tubong baguio city bunso sa tatlo DLSU-D Grad | BS Computer Science mahilig sa: tugtugin babasahin pelikula sining palakasan libre YM id: a_aspi Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet. Blackboard
Extra Curricular Activities pinoy blog bobong pinoy dlsu-d undernet peyups dekada greenarcher.net i-snare roswell sharpscripts creativeminds nba friendster PL forum guitar tabs friends fan site Classmates aimee ahvy aia aleng ava benz bone cheska clarisse cruise dada darkblak des denisse eric esteban georgie gia hanigrey jack jasper jetz juan frederico jhoanne joyce joycie kate keo kirsty klariz lei lorraine madz maky marelle martin mary mayi melai mike nerozero nix red sarge sheena sheens tala tin toyo ver very yzza Students Enrolled Review Materials
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet faculty office
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately |
October 19, 2005 takam kung babae ako malamang pinaghinalaan akong nagbubuntis ako't naglilihi pano ba naman kasi kung anu-anong mga pagkain ang hinahanap-hanap ko. medyo naging gutumin na ko lately, simula yata nung nag weight gain ako nasanay na ang sikmura ko na maya't maya nilalagyan ng ng pagkain. kadalasan ng mga hinahanap-hanap kong mga pagkain ay yung mga dating common merienda na medyo mahirap na hagilapin ngayon. heto ang listahan. taho - mainam na pang-almusal dahil mainit sa tiyan at may halong matamis na arnibal na sa palagay ko pwede panggalingan ng dagdag na enerhiya (glucose daw kase pampagana). kadalasan ko sila nakikita sa umaga pero hindi ko na nakukuhang huminto at bumili dahil kadalasang nagmamadali ako sa pagpasok sa opisina. magnolia pinipig crunch - nung nasa elementary pa lang ako ito kadalasan ang ice cream na ibinibili sa kin ng nanay ko. on a stick na may coating na pinipig. mas mura kumpara sa drumstick pero ang sarap naman nito hindi matatawaran. manggang hilaw (baguio style) - kung ang iniisip niyo ay yung kalahating mangga na nakatuhog sa barbicue stick at binubudburan ng bagoong, hindi iyon ang tinutukoy ko. masarap din yun pero iba ang sarap ng green mangoes na binebenta sa baguio. ang style nito ay hihiwain ng ala french fries ang mangga, ilalagay sa plastic, lalagyan ng sukang iloco at ng asin na may halong sili. pag titingnan parang manggang hilaw na nakababad sa maduming tubig pero once na masubukan mo mapapa "syet ang sarap!" ka sa sarap. barbicued litid ng baka - hindi ko alam ang generic name nito sa mga nagbebenta ng isaw basta ang alam ko litid ng baka ito. medyo year 2002 pa nung huli akong nakatikim nito kaya naman parati ko siyang hinahanap. lasang siyang lechon baka na natutunaw sa laway mo kapag sinubo. the best itong isawsaw sa sukang may timpla (sili, sibuyas at bawang). 3.50php lang siya dati kaya ubod ng mura. apat na stick lang solb na para gawing ulam sa hapunan. toasted pandesal w/ cheese - ito common pa rin yata para sa ibang mga bahay. toasted pandesal lang at cheesewhiz ang ingredients ng meriendang ito, kinakailangan lang i-toast muna para lalabas talaga ang lasa ng cheese. nung grade school may nagbebenta sa may bakery nito, 2.00php kada piraso. samahan mo na lang ng cheers o pop cola na 3.00php lang dati. o diba? san ka pa, limang piso lang may merienda ka na! bulilit burger - inilabas ng burger machine noong highschool ako. murang mura, 5.00php lang. halos kalahati ang liit niya kumpara sa normal na burger kaya pag binibili kadalasang by bulk orders, 4 hanggang 5 na piraso kadalasan. ang nagpapasarap dito ay ang barbicue sauce na maanghang. kung tinatanong niyo kung bakit siya mura? well, alam ko kung bakit. kadalasang ginagamit sa mga burger na ganito ay ang karne ng baka na medyo mababa na ang kaledad, mga parteng hindi na mabebenta kung hindi pa gigilingin at syempre mura ang benta dito. hindi ko sinisiraan ang burger machine, pawang katotohanan lang ang sinasabi ko. fans pa rin naman ako ng burger machine, mamaya nga kakain ako dito eh. sama kayo? hanggang dito na lang muna, nakakagutom eh. medyo matagal pa ang lunch break ko at ayaw kong patayin ang sarili ko sa takam. happy eating.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |