![]() |
||||
|
The Class President
23 years old | 12 Oct 1982 tubong baguio city bunso sa tatlo DLSU-D Grad | BS Computer Science mahilig sa: tugtugin babasahin pelikula sining palakasan libre YM id: a_aspi Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet. Blackboard
Extra Curricular Activities pinoy blog bobong pinoy dlsu-d undernet peyups dekada greenarcher.net i-snare roswell sharpscripts creativeminds nba friendster PL forum guitar tabs friends fan site Classmates aimee ahvy aia aleng ava benz bone cheska clarisse cruise dada darkblak des denisse eric esteban georgie gia hanigrey jack jasper jetz juan frederico jhoanne joyce joycie kate keo kirsty klariz lei lorraine madz maky marelle martin mary mayi melai mike nerozero nix red sarge sheena sheens tala tin toyo ver very yzza Students Enrolled Review Materials
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet faculty office
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately |
November 11, 2005 tanggapan ng LTO after 3 years kumuha ako ng lisensya para makapag maneho ulit ng kotse. kapag ganon katagal na pala na hindi kumukuha lisensya hindi na renewal ang kailangan gawin kundi panibagong application. ibig sabihin mage-exam nanaman ako at dapat makapasa para makakuha ng panibagong non-professional driving license. simple lang ang proseso. fill-up ng form, medical, picture taking, exam tapos may temporary license ka na, babalikan mo na lang after 3 months ang card. pagkatapos fill-up-an ang mga forms dumeretso ako agad sa medical examination. ibang klase, malulupet pala ang mga medtechnologist sa LTO. kulay lang yata ng ihi ang titingnan alam nila agad kung bagsak o pasado ka sa medical. wala pang limang minuto nakakuha na ko agad ng medical certificate, ang galing. kapag medical para sa trabaho inaabot pa ko ng ilang araw para makuha ang resulta, bwiset. pagkatapos ng medical binigyan ako agad ng maikling multiple choice na oral exam. ang tanong: "sir, mage-exam pa po ba kayo?" letter a.) "pag hindi, mag babayad po kayo ng 350.00php" letter b.) "pag oo, dumeretso na po kayo dun sa magbibigay ng exam". medyo nalito ako kase baliktad pala dito. naaalala ko sa entrance exam para sa college kinakailangan magbayad para makapag-exam. sabi ko dun ako sa libre, bahala na magaling naman ako tsumamba. pagkatapos magpa-picture pinapasok ako sa isang kwarto para mag-exam. sa dinami-dami naming naga-apply ng ng lisensya dadalawa lang kaming kumuha ng written exam. dalawampung minuto ang kinailangan para hulaan ko ang mga sagot sa exam. pagkatapos nun ipinasa ko na ang papel para i-check nung mga tauhan ng LTO. konting oras lang ang nakalipas ipinakita na sa kin ang resulta ng exam, bagsak ako. 29/40, 31 ang passing. kulang ako ng dalawang tamang sagot para makapasa. bago lumabas ng kwarto kinuha sa kin nung opisyales ng LTO ang answer sheet at pinalitan ang nakasulat sa dalawang tanong na nasagot ko ng mali. iyon daw ang ilalagay ko sa final answer sheet. ang bait, sana yung teacher ko sa calculus ng college ganun din para di ako umulit ng subject na yon. pagkatapos daanan ang lahat ng proseso binayaran ko na ang mga dapat bayaran, hinintay ang temporary license ko at umuwi na. pagkatapos ng 3 buwan babalikan ko na ang card ko at pwede na ko ulit magpahuli sa mga traffic enforcer. *kung hindi pinapalusot ang mga bagsak sa written exam sa LTO siguro wala tayong problema sa traffic. mapanghusga na kung mapang husga pero natitiyak ko konti lang talaga ang papasa sa exam pag sinagot nila ito ng hindi nandaraya. ibig sabihin konti rin lang ang mga magmamaneho ng mga sasakyan sa lansangan.
|
|||
| DITO ANG LUMANG BLOG | ||||