![]() |
||||
The Class President
23 years old | 12 Oct 1982 tubong baguio city bunso sa tatlo DLSU-D Grad | BS Computer Science mahilig sa: tugtugin babasahin pelikula sining palakasan libre YM id: a_aspi Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet. Blackboard
Extra Curricular Activities pinoy blog bobong pinoy dlsu-d undernet peyups dekada greenarcher.net i-snare roswell sharpscripts creativeminds nba friendster PL forum guitar tabs friends fan site Classmates aimee ahvy aia aleng ava benz bone cheska clarisse cruise dada darkblak des denisse eric esteban georgie gia hanigrey jack jasper jetz juan frederico jhoanne joyce joycie kate keo kirsty klariz lei lorraine madz maky marelle martin mary mayi melai mike nerozero nix red sarge sheena sheens tala tin toyo ver very yzza Students Enrolled Review Materials
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet faculty office
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately |
December 22, 2005 exchange pasko nanaman! panahon nanaman para ibalot ulit ang mga alarm clock, photo album, at picture frame na natanggap sa christmas party last year at ibigay ito para sa exchange gift ngayong taon. hehehe. ang hindi ko maintindihan sa exchange gift ay kung bakit may unwritten rule na kelangan pang ilihim kung sino ang nabunot mo? 99.9% ng pagkakataon nagkakabukingan o nagsasabihan rin naman. nung nasa eskwelahan pa ko may mga matitindi. mga nangongontrata na kung sino man ang nakabunot sa crush niya obligadong itong i-trade sa nabunot nila. pa-trade-trade pa, hindi na lang bumili ng hiwalay na regalo galing talaga sa puso o bukal sa kalooban. wala na kong paki sa kanila... di pa rin nasasagot ang tanong ko na bakit kelangan pang gawing suspense kung sino ang nakabunot sa iyo? sa ibang palabunutan nauuso ang paggamit ng mga code name para hindi mo rin makilala kung sino ang nabunot mo. ang hirap hirap na nga magisip ng pambigay bukod pa sa picture frame, alarm clock, photo album, t-shirt at bag tapos itatago pa sa iyo ang identity ng pagbibigyan mo ng regalo. hindi ba kapag ganito lalo na lang magiging generic ang mga regalo? wateber! wala rin naman kwenta yang mga code names na yan dahil nagsasabihan rin naman o kaya napakadaling hulaan kung sino ang nagmamay-ari. kadalasan napaka-obvious ng mga code name na ginagamit. sa isang classroom alam mo na agad kung sino ang mga pwedeng suspect pag mabunot mo na ang mga code name. halimbawa na lang "son gokou", "kenshin" o "lupin III" para sa mga mahilig sa anime at drawing. "MJ23" o "kobe08" para sa mga mukhang basketball. "wala" o "wala kang pake" para sa mga gusto lang makikain sa christmas party. "pink08", "taz14", "blue_tweety" o kung ano-ano pang mga kombinasyon ng kulay, cartoon character at numero (monthsary? bday?) para sa mga babae. pero..... di pa rin nasasagot ang katanungan ko. bat kelangan pa maging secret ang bunutan kung magsasabihan rin lang? bakit kaya hindi na lang magbunutan ng harapan at wala nang sikre-sikreto. mas madali umisip ng regalo pag alam mo kung sino ang nabunot mo o ang nakabunot sa iyo. isa pa kapag ganito, mawawala na yung rin mga nangongontrata makipagtrade ng nabunot. ============= *** si kuya ace ay na-disqualify sa larong "longest line" sa isang christmas party dahil siya ay nagbaon ng isang rolyo ng sinulid. sayang, kung nanalo may 500 pesos sana siya ngayon at ililibre kayo.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |