![]() |
||||
The Class President
23 years old | 12 Oct 1982 tubong baguio city bunso sa tatlo DLSU-D Grad | BS Computer Science mahilig sa: tugtugin babasahin pelikula sining palakasan libre YM id: a_aspi Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet. Blackboard
Extra Curricular Activities pinoy blog bobong pinoy dlsu-d undernet peyups dekada greenarcher.net i-snare roswell sharpscripts creativeminds nba friendster PL forum guitar tabs friends fan site Classmates aimee ahvy aia aleng ava benz bone cheska clarisse cruise dada darkblak des denisse eric esteban georgie gia hanigrey jack jasper jetz juan frederico jhoanne joyce joycie kate keo kirsty klariz lei lorraine madz maky marelle martin mary mayi melai mike nerozero nix red sarge sheena sheens tala tin toyo ver very yzza Students Enrolled Review Materials
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet faculty office
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately |
December 01, 2005 lakas lamang pa rin sa medal tally ang pilipinas sa sea games na ginaganap dito mismo sa ating bansa. kasalukuyang may 57 golds, 36 silvers at 45 bronze ang hawak ng ating mga atleta, medyo malayo sa vietnam na nasa 2nd place (40 golds, 36 silvers, at 41 bronze), at thailand na pang 3rd ( 29 golds, 44 silvers, at 51 bronze). magandang senyales ito at ipagdasal natin na sana magtuloy tuloy ang panalo. wag daw muna tayo magpakasigurado na tayo ang magiging kampeyon sa sea games dahil matagal pa ang laban at madami pang pwede mangyari. malaki pa ang pagasa ng ibang bansa para makahabol sa medal tally. madami pang events na gaganapin. sa 2nd to the last day ng sea games may 100 na gold medals ang pagaagawan ng bawat bansang kalahok. kaya sana todo suporta pa rin tayong lahat hanggang sa huli. manalo man o matalo wala sanang iwanan. nung 2004 athens olympics kahit isang medalya walang naiuwi ang ating mga atleta. sa taekwondo sana tayo umaasa na makakakuha pero nabigo tayo. tulad ng laban ni onyok velasco noong 1996 nagkaroon ng problema sa officiating ang laban ni tonnette rivero kung saan pabor ito sa katunggali. kaisa-isang medalya na sana maiuuwi, nakuha pa ng ibang bansa. ginawa pa nila ito sa hindi magandang paraan. lungkot at galit ang nadama ng karamihan, kitang kita rin ito sa mukha ng team coach na si monsour del rosario habang umiiyak at sinasabing "pinaghirapan nung bata yun eh tapos kukunin na lang ng ganon. ako coach lang pero hindi ko matanggap, siya pa kaya na lumaban para dun...". wala man tayong medalya nakuha, may isang bagay naman tayong nakamit-- pride. isang taekwondo match ang napanood ko na talagang nakapagbibigay inspirasyon sa kin hanggang ngayon, na sa tuwing naaalala ko hindi ako nagdadalawang isip na taas noong sabihin na "i am proud to be a filipino!" "geisler, now helpless as a cold, wingless bird, would not give up" hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang mga katagang bitawan ni recah trinidad habang pinapanood si donald geisler (yung kapatid nung artista) na pilit pa ring lumalaban at hindi iniinda ang isang paa na pilay (umuwi siya ng naka-saklay). naluluha ako sa mga oras na iyon pero hindi lang dahil sa awa kung di pati na rin sa paghanga sa kagitingang ipinakita ng nasabing atleta, na kahit ano pa mang karamdaman at paghihirap ang nararanasan pilit na lumalaban ang mga pilipino hanggang sa huli. isang eksena naman ang nakpagpalungkot sa kin sa pag-uwi ng philippine taekwondo team mula sa olympics. wala man lang kahit isang representative ang philippine sports commision o ang gobyerno na pumunta para salubungin sila. tanging mga reporters lang ang nandun para sa mga short interviews. natanong ko tuloy sa sarili ko "hindi pa ba sapat ang ipinakita nila para mabigyan sila warm welcome ng bayan na ipinaglaban nila?".
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |