![]() |
||||
The Class President
23 years old | 12 Oct 1982 tubong baguio city bunso sa tatlo DLSU-D Grad | BS Computer Science mahilig sa: tugtugin babasahin pelikula sining palakasan libre YM id: a_aspi Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet. Blackboard
Extra Curricular Activities pinoy blog bobong pinoy dlsu-d undernet peyups dekada greenarcher.net i-snare roswell sharpscripts creativeminds nba friendster PL forum guitar tabs friends fan site Classmates aimee ahvy aia aleng ava benz bone cheska clarisse cruise dada darkblak des denisse eric esteban georgie gia hanigrey jack jasper jetz juan frederico jhoanne joyce joycie kate keo kirsty klariz lei lorraine madz maky marelle martin mary mayi melai mike nerozero nix red sarge sheena sheens tala tin toyo ver very yzza Students Enrolled Review Materials
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet faculty office
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately |
January 16, 2006 undies naglibot-libot ako sa sm kagabi para tumingin ng brip. nagbabalak kase ako bumili ng mga bago dahil nagiging bacon na ang garter ng mga luma ko. ngayon ko lang napansin na madami palang klase na pwede pag-pilian. ang alam ko lang kase dati ay yung kulay white na may dalawang linya sa harapan tapos may butas (na hindi nagagamit) kung san dun padadaanin yung bird pag iihi. ngayon, marami akong natuklasan at nadagdagan ang database ng uri ng brip sa utak ko. seamless - ewan ko bakit naimbento pa yung brip na walang tahi masyado. siguro para ito dun sa mga masyadong sensitive ang balat na sa konting burda lang nagkakagalis na. boxers - miniature na puruntong na may butones sa harapan. maluwag at presko kase malayang nakakadaloy ang hanging amihan sa buong kapuluan. meron akong isa nito pero kapag sinusuot ko nagbi-brip pa rin ako sa loob. bikini brief - eto panalo! magsuot ka lang nito, magpabigote, at gumamit ng screen name na "lando", magmumukha ka nang bomba star nung dekada 80's. seksing seksi ang dating ng design kase tinipid sa tela at sobrang sikip. nakakatakot lang suotin kase parang nakakasugat ng singit kapag lumakad ka ng naka-ganito. boxer briefs - eto daw uso ngayon. mukhang umurong na cycling shorts. mas kumportable daw ito sa boxers kase hindi kumakalembang ang kampana. safe rin kase kapag hinubuan ka sa harap ng mga tao pwede mo sabihing "bleh! naka-shorts ako sa loob!" kahit brip mo na pala talaga yung nakikita nila.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |