Back to School... - Mga Weblogs Ni Ace

The Class President

Ace
23 years old | 12 Oct 1982
tubong baguio city
bunso sa tatlo
DLSU-D Grad | BS Computer Science
mahilig sa:
tugtugin
babasahin
pelikula
sining
palakasan
libre
YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)

Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet.

Blackboard

www.tag-board.com
Name:

Section:

Messages(smilies)

Extra Curricular Activities

billy corgan
pinoy blog
bobong pinoy
dlsu-d undernet
peyups
dekada
greenarcher.net
i-snare
roswell
sharpscripts
creativeminds
nba
friendster
PL forum
guitar tabs
friends fan site

Classmates

advent
aimee
ahvy
aia
aleng
ava
benz
bone
cheska
clarisse
cruise
dada
darkblak
des
denisse
eric
esteban
georgie
gia
hanigrey
jack
jasper
jetz
juan frederico
jhoanne
joyce
joycie
kate
keo
kirsty
klariz
lei
lorraine
madz
maky
marelle
martin
mary
mayi
melai
mike
nerozero
nix
red
sarge
sheena
sheens
tala
tin toyo
ver
very
yzza

Students Enrolled

Review Materials

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

faculty office
DO NOT ENTER

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v3.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately

April 25, 2006

busy as a bee

nitong nakaraang marso ilang milyong kabataan rin ang sumali sa pinakamalaking brotherhood ng ating bansa - ang "unemployed".

2003 nang makatapos ako ng kolehiyo at pagkatapos asikasuhin ang lahat ng dapat asikasuhin sa eskwelahan nagpasya agad ako na maghanap ako ng trabaho, gusto kong "kumita" agad. sabi ko sa sarili ko non "lanya, magkatrabaho lang ako lalayas ako sa pamamahay na ito... kahit 200 a day lang papatulan ko, sapat na 'to".

di nagtagal nagising ako sa katotohanan na hindi gawain ng isang mabuting anak ang nabitiwan kong mga salita at na-realize ko na hindi talaga kasya ang 200 para sa isang araw. ngayon, kinain ko na lang lahat ng sinabi ko sa sarili at namumuhay bilang isang role model na anak na naninirahan pa rin sa puder ng kanyang mga magulang.

nagtatrabaho naman ako shempre, sa isang kumpanya bilang taga-computer. magdadalawang taon na ko dito at kuntento naman sa ngayon. gusto ko pa rin naman umasenso kahit papaano, kahit na taga-utos lang ng mga utos ng mas mataas na boss.

hindi naging madali ang landas na dinaanan ko bago makakuha ng trabaho, parang nagpapasok ng kalabaw sa butas ng karayom. kung anu-ano na nga ang sinubukan kong pasukin. encoder, programmer, med rep, call center agent, exotic male dancer, at utusan ng boss sa opisina na kasalukuyang trabaho ko ngayon (lahat naman ng nabanggit kong trabaho utusan ng boss). madalas basted ako sa hrd. ilang "thank you" at "we'll just call you..." rin ang sumampal sa mukha kong bahagyang cute. nakakabuwisit, lalo pa kung ang nagi-interview ay yung naninindak lang dahil alam na baguhan ka lang.

sa loob ng tatlong taon, naka limang lipat na ko ng pinapasukan.

yung pinaka una kong pinagsilbihan, isang buwan ang aking itinagal. kinumpleto ko lang yung training. iniwan ko matapos malamang mas malaki pa ang pamasahe ko araw-araw kesa sa su-swelduhin. masaya sana kaso wala akong pang-abono sa araw araw na gastos.

meron namang isang kumpanya na pinasukan ko lang limang buwan, umalis ako dahil masama sila at isang araw susugurin na lang ang opisina nila ng mga tauhan ng human rights commision. may utang pa sila sa kin na tatlong libo na ayaw ibigay. tsk tsk, panligaw rin sana yun kay angel locsin.

ang pinakamatagal na stint ko sa lahat na wala nang makaka-break ng record kahit kelan ay tumataginting na isang linggo. sumweldo pa ko non. dapat nga pati pension meron ako. pati loyalty award meron din dapat. ganito kase yon, kusang loob akong naglaho dahil ayoko na sa kanila. inaapi nila ako. saka lang kase sinabi sa kin na mortal sin pala ang mapansin na hindi nagtatrabaho ang boss mo kaya hindi mo rin magawa ang dapat mong gawin. kasing bigat ng pagkakasala ni rizal sa mga kastila. ang parusa? katumbas rin ng kay rizal, ipinatapon ako sa isang maliit na commercial center sa tagaytay para magbantay ng stall sa loob ng isang buwan, tapos nun sesante na. no return, no exchange.

ganyan ang kalbaryong dinaanan ko, pwede na sa "maalaala mo kaya". sobrang mahirap. kasing hirap ng naranasan nung isang housemate dati sa pbb na napaiyak ng husto sa hirap dahil itago ni big brother yung plantsa niya sa buhok ng ilang araw.

anyways, balik tayo.

ayun, kung suswertehin, sa disyembre, first time ko pa lang makakaranas ng 13th month pay sa buong buhay ko pagkatapos ng tatlong taon ng paghahanapbuhay.


DITO ANG LUMANG BLOG